Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Setyembre: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Oktubre: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Sa mga pagdalaw-muli, maaaring ialok ng mga mamamahayag na regular nilang ihahatid ang mga magasin, sa layuning makapagpasimula ng isang pag-aaral sa Bibliya. Nobyembre: Iaalok ang aklat na Kaalaman o ang brosyur na Hinihiling. Kapag ang mga may-bahay ay mayroon na ng mga publikasyong ito, maaaring gamitin ang ibang mas matatagal nang publikasyon. Disyembre: Maaaring ialok ang alinman sa sumusunod na mga aklat: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?, Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, o Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa.
◼ Pasimula sa Oktubre, ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay magbibigay ng pahayag pangmadla na pinamagatang “Paghahanap ng Katiwasayan sa Isang Mapanganib na Sanlibutan” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon.
◼ Ipinaaalaala sa matatanda na sundin ang mga tagubiling ibinigay sa pahina 21-3 ng Abril 15, 1991, Bantayan, may kaugnayan sa sinumang itiniwalag o kusang humiwalay na maaaring nagnanais na manumbalik.
◼ Makukuhang Bagong mga Publikasyon:
Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan—Malalaking Letra—Cebuano, Iloko, Tagalog (Pansinin: Ang malalaking-letrang edisyong ito ay naglalaman lamang ng nakalimbag na materyal at walang mga larawan, katulad ng Bantayan na may malalaking letra.)
◼ Bagong Compact Disc na Makukuha:
Respect Jehovah’s Authority—Ingles (Ito ang drama sa pandistritong kombensiyon noong nakalipas na taon.)
◼ Makukuhang Bagong Videocassette:
Warning Examples for Our Day—On Videocassette—Ingles (Pansinin: Ito ay pagtatanghal sa video ng drama sa kombensiyon noong 2000-2001 na tumatalakay sa mga pangyayari sa kapatagan ng Moab.)