Repaso sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro
Nakasara-aklat na repaso sa materyal na saklaw ang mga aralin sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro sa mga linggo ng Setyembre 2 hanggang Disyembre 23, 2002. Gumamit ng isang bukod na pilyego ng papel na susulatan ng mga sagot sa pinakamaraming tanong na masasagot mo sa panahong itinakda.
[Pansinin: Sa panahon ng nasusulat na repaso, tanging ang Bibliya lamang ang maaaring gamitin sa pagsagot sa anumang tanong. Ang mga reperensiya na kasunod ng mga tanong ay para sa iyong personal na pagsasaliksik. Ang mga numero ng pahina at ng parapo ay maaaring hindi lumilitaw sa lahat ng reperensiya sa Ang Bantayan.]
Sagutin ang bawat pangungusap ng Tama o Mali:
1. Ang pagbubulay-bulay sa kamangha-manghang mga katangian ni Jehova ay isang mahalagang hakbang upang mápalapít sa kaniya. (Awit 143:5) [w00 10/15 p. 4 par. 6]
2. Ang pagsasama ng dalawang patpat na binanggit sa Ezekiel 37:15-24 ay may modernong kahalintulad sa bagay na noong 1919 ay pinagkaisa ang tapat na mga pinahiran sa ilalim ni Kristo, ang kanilang “isang hari” at “isang pastol.” [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w88 9/15 p. 25 par. 13.]
3. Bagaman ang pagkamakasaysayan ng aklat ng Daniel ay kinukuwestiyon ng maseselang tagapuna sa Bibliya, ang pag-aangkin nila ay ganap nang napabulaanan ng mga natuklasan sa arkeolohiya sa nakalipas na mga taon. [si p. 138 par. 4]
4. Kapag ang ating narinig ay nagmula sa isa na waring may awtoridad o nag-aangking may malawak na kaalaman, walang matibay na dahilan upang itakwil ito bilang huwad. [w00 12/1 p. 29 par. 7-8]
5. Ang pananalitang “mga pangalawahing propeta” ay angkop na lumalarawan sa pagiging nakabababa ng kahalagahan ng huling 12 aklat ng Hebreong Kasulatan. [si p. 143 par. 1]
6. Si Amos ay isa sa ‘mga anak ng mga propeta’ nang tinawag siya ni Jehova at isinugo upang humula sa Juda at Israel. (2 Hari 2:3) [si p. 148 par. 1]
7. Inihuhula ng Obadias 16 ang pambansang pagkalipol ng bayang Edomita bilang resulta ng kanilang pagkapoot sa Juda. (Oba. 12) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w89 4/15 p. 30 kahon.]
8. Kasama sa “dalisay na wika” na binanggit sa Zefanias 3:9 ang wastong pagkaunawa sa katotohanan hinggil sa Diyos at sa kaniyang mga layunin. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w01 2/15 p. 27 par. 18.]
9. Nakadama si Jesus ng matinding kaigtingan sa hardin ng Getsemani dahil siya ay nababahala kung paanong ang kaniyang kamatayan bilang isang kinamumuhiang kriminal ay makaaapekto kay Jehova at sa Kaniyang banal na pangalan. (Mat. 26:38; Luc. 22:44) [w00 11/15 p. 23 par. 1]
10. Ang “Filisteo” na naging “gaya ng isang shik sa Juda,” na inilarawan sa Zacarias 9:6, 7, ay makahulang lumalarawan sa mga miyembro ng ibang mga tupa sa ngayon na sinasanay ng “tapat at maingat na alipin” at binibigyan ng awtoridad kung kinakailangan. (Mat. 24:45) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w95 7/1 p. 23 par. 14.]
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
11. Paano maihahambing ang ating pananagutang mangaral sa pananagutan ni Ezekiel bilang isang bantay? (Ezek. 33:1-11) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w88 1/1 p. 28 par. 13.]
12. Anong pagkakatulad sa pangitain ni Ezekiel hinggil sa tuyong mga buto ang nagkaroon ng katuparan sa makabagong panahon? (Ezek. 37:5-10) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w88 9/15 p. 24 par. 12.]
13. Ano ang pinakakapani-paniwalang patotoo ng pagkasi ng Diyos sa aklat ng Zacarias? [si p. 169 par. 5]
14. Saan kumakatawan ang lunsod sa pangitain ni Ezekiel? (Ezek. 48:15-17) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w99 3/1 p. 18 par. 22.]
15. Paano maipangangatuwiran salig sa Isaias 2:2-4 na ang mga pangyayaring nagaganap sa Israel sa ngayon ay hindi espesipikong katuparan ng hula sa Bibliya? [rs p. 212 par. 3]
16. Anong aral ang matututuhan natin mula sa ikinilos ni Daniel hinggil sa dekreto ng hari na walang pagsusumamong gagawin sa alinmang diyos o tao maliban sa hari sa loob ng 30 araw? (Dan. 6:7-10) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang dp p. 125 par. 25-8.]
17. Sa paghahayag ng anong mensahe ni Jehova naging gaya ng isang leon sa gitna ng mga bansa ang nalabi? (Mik. 5:8) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w82 1/15 p. 23 par. 10.]
18. Ano ang kahulugan ng pananalitang “sa pamamagitan ng kaniyang sariling mga tungkod ay inulos mo ang ulo ng kaniyang mga mandirigma,” sa Habakuk 3:14? [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w00 2/1 p. 22 par. 15; w81-E 8/1 p. 29 par. 6-7.]
19. Ano ang ipinahihiwatig sa paggamit ng salitang ‘baka sakali’ sa Zefanias 2:3? [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w01 2/15 p. 19 par. 8.]
20. Ayon sa Zacarias 8:6, sa mga taon sapol noong 1919, paano naisakatuparan ni Jehova ang waring napakahirap na bagay sa pangmalas ng tao? [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w96 1/1 p. 16 par. 18-19.]
Ibigay ang kinakailangang (mga) salita o parirala upang mabuo ang sumusunod na mga pangungusap:
21. Tayo’y nakikipag-usap kay Jehova sa pamamagitan ng ․․․․․․․․, na siyang mapagpitagang pakikipagtalastasan sa Diyos; sa kabilang dako naman, ang pangunahing paraan ng pakikipag-usap niya sa atin ay sa pamamagitan ng kaniyang ․․․․․․․․. (Awit 65:2; 2 Tim. 3:16) [w00 10/15 p. 5 par. 2-3]
22. Si Jesu-Kristo ay maaaring tukuyin bilang Miguel sa pamamagitan ng paghahambing sa Judas 9 at 1 Tesalonica 4:16 (Revised Standard), kung saan ang utos ni Jesu-Kristo upang pasimulan ang pagkabuhay-muli ay inilarawan bilang ․․․․․․․․; karagdagan pa, ang pangalang Miguel ay nangangahulugang ․․․․․․․․, na maliwanag na nagpapakita na si Jesus ang nangunguna sa pagtataguyod ng soberanya ni Jehova at sa pagpuksa sa mga kaaway ng Diyos. [rs p. 207 par. 1-2]
23. Ang “paglabas ng salita na isauli at muling itayo ang Jerusalem” ay naganap noong ․․․․․․․․, na naghuhudyat sa pagsisimula ng 69 na sanlinggo ng mga taon, na nagtapos sa paglitaw ng Mesiyas noong ․․․․․․․․. (Dan. 9:25) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang dp p. 190 par. 20–p. 191 par. 22.]
24. Ang Joel 2:31, na bumabanggit hinggil sa pagdidilim ng araw, ay kahawig ng Mateo 24:29, 30, kung saan inilalarawan ni ․․․․․․․․ ang kaniyang pagparito bilang Anak ng tao taglay ang ․․․․․․․․. [si p. 147-8 par. 13]
25. Ang hula ni ․․․․․․․․ hinggil sa Asirya at sa kabiserang lunsod nito, ang ․․․․․․․․, ay dumadakila sa katarungan at pagiging kataas-taasan ni Jehova at nagbibigay sa atin ng kumpiyansa na igagawad ni Jehova ang katarungan sa lahat ng balakyot. [si p. 160 par. 11]
Piliin ang tamang sagot sa sumusunod na mga pangungusap:
26. Idiniriin ng aklat ng Ezekiel na si Jehova ay (bukas-palad; mapagpakumbaba; banal) at ipinababatid nito na ang (paglinang sa personalidad ng isa; pagbanal sa pangalan ni Jehova; pagiging mabuting kapuwa) ang pinakamahalaga sa lahat. [si p. 137 par. 33]
27. Tinitiyak ni Ezekiel, na nabuhay kasabay ni Daniel, na si Daniel ay isang tunay na persona, anupat binabanggit siya kasama nina (Noe at Job; Moises at Josue; Elias at Eliseo). [si p. 138 par. 2]
28. Kasuwato ng Daniel 2:34, 35, 45, ang bato na tumama at dumurog sa imahen ay kumakatawan sa (Armagedon; matitinding mensahe ng paghatol na inihayag ng bayan ng Diyos; Mesiyanikong Kaharian). [si p. 142 par. 20, 23]
29. Ang makasagisag na bansa ng mga balang na binanggit sa Joel 1:4-6 ay lumalarawan sa (bansang Israel; pinahirang mga Kristiyano; hukbong Romano). (Gawa 2:1, 14-17) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w98 5/1 p. 9 par. 9.]
30. Ang “kaharian ng Anak ng kaniyang pag-ibig” na binanggit sa Colosas 1:13 ay ang (Mesiyanikong Kaharian; pamamahala ni Kristo sa kongregasyong Kristiyano mula noong Pentecostes 33 C.E. patuloy; Isang Libong Taóng Paghahari ni Kristo). [rs p. 93 par. 6]
Ibagay ang sumusunod na mga kasulatan sa mga pangungusap na nasa ibaba:
Os. 6:6; Joel 2:32; Zac. 4:6, 7; 13:3; Roma 12:2
31. Hindi natin dapat pahintulutan ang pangkultura o pansekular na mga pamantayan ng sistemang ito na siyang humubog sa ating pag-iisip. [w00 11/1 p. 21 par. 6]
32. Ang nakalulugod sa Diyos ay, hindi ang napakaraming handog na may pormal na seremonya, kundi mga kapahayagan ng matapat na pag-ibig salig sa pagkakilala sa kaniya. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang si p. 145 par. 16.]
33. Ang pagkakilala, paggalang, at pagtitiwala sa persona na nagtataglay ng banal na pangalan ay mahalaga ukol sa kaligtasan. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w89 3/15 p. 30 kahon.]
34. Ang layunin ng Diyos ay naisasakatuparan, hindi dahil sa anumang kapangyarihan ng tao, kundi sa pamamagitan ng kaniyang espiritu, na nagpapangyari sa kaniyang mga lingkod na mapagtagumpayan ang gabundok na mga hadlang at makapagbata sa paglilingkod sa Diyos. [si p. 169 par. 2]
35. Ang katapatan na siyang pagkakakilanlan ng organisasyon ni Jehova ay nangingibabaw sa lahat ng ugnayan ng tao, gaya niyaong sa malapit na mga kamag-anak. [si p. 171 par. 24]