Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/03 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
km 2/03 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Pebrero: Alinman sa aklat na Creation o aklat na Apocalipsis Kasukdulan ay maaaring ialok. Marso: Iaalok ang aklat na Kaalaman taglay ang pagsisikap na makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Abril at Mayo: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Sa mga pagdalaw-muli, maaaring ialok ng mga mamamahayag na palagian silang maghahatid ng mga magasin, na may tunguhing makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya.

◼ Dapat repasuhin ng Kalihim at ng Tagapangasiwa sa Paglilingkod ang gawain ng lahat ng regular pioneer sa pagtatapos ng Pebrero. Sa panahong iyon dapat na sila’y nakapag-ulat na ng humigit-kumulang sa 420 oras. Kung may sinuman na nahihirapang maabot ang kahilingan sa oras, dapat isaayos ng matatanda na matulungan sila upang mabawi nila ang kakulangang oras sa natitira pang anim na buwan ng taon ng paglilingkod. Para sa mga mungkahi, repasuhin ang taunang liham na S-201 na may petsang Oktubre 1, 2002.

◼ Dapat i-audit ng punong tagapangasiwa o ng sinumang inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon sa Marso 1 o sa lalong madaling panahon hangga’t maaari pagkatapos nito. Kapag ito’y naisagawa na, gumawa ng patalastas sa kongregasyon pagkatapos basahin ang susunod na ulat ng kuwenta.

◼ Sa Linggo, Pebrero 16, 2003, magkakaroon ng pakikipagpulong sa lahat ng nagpaplanong mag-auxiliary pioneer sa mga buwan ng Marso, Abril, at Mayo. Ang lahat ay pinasisiglang dumalo. Pangangasiwaan ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang pulong, na tinitiyak na may sapat na Applications for Auxiliary Pioneer Service upang maipamahagi sa lahat ng dadalo sa pulong na ito.

◼ Anumang pulong na karaniwan nang nakaiskedyul sa Miyerkules, Abril 16, 2003 ay dapat idaos sa ibang araw sa linggo ng Memoryal.

◼ Ang pantanging pahayag pangmadla na gaganapin sa Abril 27, 2003 ay pinamagatang “Dumating Na ba ang Oras ng Paghatol sa Babilonya?” Dapat iiskedyul ng mga kongregasyon na may dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito, pantanging araw ng asamblea, o pansirkitong asamblea sa dulong sanlinggo ng Abril 26-27, 2003, ang pantanging pahayag pangmadla sa Mayo 4, 2003.

◼ Makukuhang Bagong mga Publikasyon:

Maging Malapít kay Jehova​—Bicol, Cebuano, Hiligaynon, Iloko, Ingles, Pangasinan, Samar-Leyte, Tagalog, Tsino

Sambahin ang Tanging Tunay na Diyos​—Cebuano, Hiligaynon, Iloko, Ingles, Pangasinan, Tagalog, Tsino

◼ Makukuhang Bagong Videocassette:

Respect Jehovah’s Authority​—Ingles (Ito ang drama na tumatalakay sa paghihimagsik ni Kora na napanood sa pandistritong mga kombensiyon noong 2001-2.)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share