Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/03 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
km 3/03 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Marso: Iaalok ang aklat na Kaalaman taglay ang pagsisikap na makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Abril at Mayo: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Sa mga pagdalaw-muli, maaaring ialok ng mga mamamahayag na palagian silang maghahatid ng mga magasin, na may tunguhing makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Hunyo: Iaalok ang bagong aklat na Maging Malapít kay Jehova.

◼ Simula sa Abril, ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay magbibigay ng pahayag pangmadla na pinamagatang “Ingatan ang Inyong Pagkakakilanlan Bilang Kristiyano!” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon.

◼ Ang mga mamamahayag na nagnanais maglingkod bilang mga auxiliary pioneer sa Abril at Mayo ay dapat gumawa na ngayon ng kanilang mga plano at ibigay ang kanilang mga aplikasyon nang maaga. Ito ay makatutulong sa matatanda na gumawa ng kinakailangang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan at makakuha ng sapat na mga magasin at iba pang literatura para magamit nila. Ang mga pangalan ng lahat ng inaprobahan bilang mga auxiliary pioneer ay dapat ipatalastas sa kongregasyon.

◼ Yamang ang kaayusan para sa personal na mga suskrisyon sa pamamagitan ng koreo ay itinigil na, mahalaga na ilabas kaagad ng mga kongregasyon ang pinakabagong isyu ng Ang Bantayan at Gumising! pagkatanggap na pagkatanggap ng mga ito. Mabibigyan nito ng pagkakataon ang mga mamamahayag na makuha ang kanilang personal na mga kopya at maging pamilyar sa nilalaman ng mga magasin bago ialok sa paglilingkod sa larangan.

◼ Pagbabasa ng Bibliya sa Memoryal: Ang lahat ay hinihimok na basahin ang iminungkahing bahagi ng Bibliya na nakaiskedyul sa 2003 Calendar at sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw, na magsisimula sa Abril 11 at magtatapos sa araw ng Memoryal, Abril 16.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share