Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin nang tanong-sagot sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo simula sa Abril 28, 2003. Magdaraos ang tagapangasiwa sa paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Marso 3 hanggang Abril 28, 2003. [Pansinin: Kapag walang mga reperensiya pagkatapos ng tanong, kakailanganin mong gumawa ng pagsasaliksik upang masumpungan ang mga sagot.—Tingnan ang Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 36-7.]
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Anong mga salik ang maaaring maging dahilan ng kawalan ng katatasan? [be p. 93]
2. Tama o Mali: Ang sandaling paghinto ay dapat iwasan, yamang maaaring pahintulutan nito na gumala-gala ang isip ng mga tao at maaaring magbigay ng pagkakataon sa kanila na sumabad. Ipaliwanag.
3. Ano ang kahalagahan ng wastong pagdiriin ng mga susing salita sa isang tagapagpahayag o pangmadlang tagapagbasa? (Neh. 8:8) [be p. 101]
4. Paano mapasusulong ng isa ang wastong pagdiriin ng mga susing salita? [be p. 102-3]
5. Ano ang pangunahing mga ideya na kailangang idiin kapag binabasa nang malakas ang isang publikasyon sa pag-aaral ng Bibliya o sa pulong ng kongregasyon? [be p. 105]
ATAS BLG. 1
6. Anong pagsasanay ang maaaring gawin ng mga magulang sa kanilang mga anak “upang makapakinig sila at upang matuto sila” sa Kristiyanong mga pagpupulong? (Deut. 31:12) [be p. 16]
7. Ano ang espirituwal na paraiso? [w01 3/1 p. 8-10]
8. Paano ipinakikita ng Kawikaan 8:1-3 na ang makadiyos na karunungan ay maaaring makamit ng lahat, at ayon sa Colosas 2:3, saan ito masusumpungan? [w01 3/15 p. 25, 28]
9. Paano natin maipakikilala ang pangalan ng Diyos? (Juan 17:6) [be p. 273-5]
10. Anong mahahalagang detalye ang kailangang malaman ng mga tao hinggil sa ‘mabuting balita ng kaharian’? (Mat. 24:14) [be p. 279-80]
LINGGUHANG PAGBASA SA BIBLIYA
11. (a) Noong unang siglo, ano ang “kasuklam-suklam na bagay” na binanggit sa Marcos 13:14? (b) Sa ano tumutukoy ang ‘pagtayo nito kung saan hindi dapat’?
12. Paano pinagtibay ng Ebanghelyo ni Lucas na si Jesus ay likas na tagapagmana ng trono ni David? (Lucas 3:23-38) [w92 10/1 p. 9 par. 3]
13. Ano ang kahulugan ng pananalita ni Jesus na nakaulat sa Lucas 12:2?
14. Sa ilustrasyon ni Jesus hinggil sa isang baryang drakma na nawala, bakit kahanga-hanga ang reaksiyon ng mga anghel? (Luc. 15:10) Paano tayo dapat maapektuhan ng kanilang halimbawa?
15. Ano ang dalawang tipan na binanggit sa Lucas 22:29?