Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Disyembre: Maaaring ialok ang alinman sa sumusunod na mga aklat: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?, Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, o Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Enero: Maaaring ialok ang alinman sa matatagal nang aklat na may 192 pahina. Yaong mga walang matatagal nang aklat ay maaaring mag-alok ng Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos. Pebrero: Iaalok ang aklat na Maging Malapít kay Jehova. Marso: Ang aklat na Kaalaman ay itatampok, taglay ang tunguhing mapasimulan ang mga pag-aaral sa Bibliya.
◼ Kung kayo ay magbabakasyon o dadalo sa isang pandistritong kombensiyon sa katapusan ng Disyembre, tiyaking ibigay ang inyong ulat sa paglilingkod sa larangan sa inyong Tagapangasiwa sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat bago kayo umalis. Kung magiging palaisip ang lahat sa pag-uulat, hindi bababa ang bilang ng mamamahayag sa kabila ng abalang gawain sa kombensiyon.
◼ 2004 Taunang Teksto: Ang taunang teksto para sa 2004 ay hinalaw sa Mateo 24:42, 44: “Patuloy kayong magbantay . . . Maging handa.” Dapat isaayos ng lahat ng kongregasyon na mailagay ang bagong taunang teksto sa kanilang Kingdom Hall sa Enero 1, 2004.