Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/04 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
km 1/04 p. 3

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Enero: Maaaring ialok ang alinman sa matatagal nang aklat na may 192 pahina. Yaong mga walang matatagal nang aklat ay maaaring mag-alok ng Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos. Pebrero: Iaalok ang aklat na Maging Malapít kay Jehova. Marso: Ang aklat na Kaalaman ay itatampok, taglay ang tunguhing mapasimulan ang mga pag-aaral sa Bibliya. Kung ang mga tao ay mayroon nang mga publikasyong ito, maaaring ialok ang Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel! Abril at Mayo: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Kapag gumagawa ng pagdalaw-muli sa interesadong mga tao, ilakip yaong mga dumadalo sa Memoryal o sa iba pang teokratikong okasyon ngunit hindi aktibong kaugnay sa organisasyon. Magtuon ng pansin sa pagpapasakamay ng aklat na Sambahin ang Diyos. Sikaping makapagpasimula ng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, lalo na kung napag-aralan na ng mga indibiduwal ang aklat na Kaalaman at brosyur na Hinihiling.

◼ Dapat gumawa ng mga kaayusan ang mga kongregasyon upang ipagdiwang ang Memoryal sa taóng ito sa Linggo, Abril 4, 2004, pagkalubog ng araw. Ang mga pulong na karaniwan nang ginaganap kung Linggo ay dapat idaos sa ibang araw upang ang Memoryal lamang ang tanging pulong na idaraos sa Abril 4. Bagaman ang pahayag ay maaaring magsimula nang mas maaga, ang pagpapasa ng mga emblema ng Memoryal ay hindi dapat magsimula hangga’t hindi lumulubog ang araw. Yamang walang pagpupulong na gaganapin sa araw na iyon maliban sa pagtitipon para sa paglilingkod sa larangan, dapat gumawa ng angkop na mga pagbabago upang ang Pag-aaral sa Bantayan ay maidaos sa ibang panahon. Kakailanganing baguhin ng mga tagapangasiwa ng sirkito ang iskedyul ng kanilang pulong para sa linggong iyon ayon sa lokal na mga kalagayan. Bagaman kanais-nais para sa bawat kongregasyon na magdaos ng kanilang sariling pagdiriwang ng Memoryal, maaaring hindi ito laging posible. Kapag maraming kongregasyon ang karaniwang gumagamit ng iisang Kingdom Hall, marahil ang isa o higit pang kongregasyon ay maaaring kumuha ng iba pang pasilidad para gamitin sa gabing iyon. Kung posible, iminumungkahi namin na magkaroon ng di-kukulangin sa 40 minutong pagitan ang mga programa upang ang lahat ay lubusang makinabang sa okasyon.

◼ Yamang ang Abril at Mayo ay pantanging mga buwan sa pamamahagi ng magasin at marami ang makikibahagi sa gawaing auxiliary pioneer sa panahong iyon, dapat isaalang-alang na ngayon ng tagapangasiwa sa paglilingkod at ng lingkod sa magasin na pumidido ng karagdagang mga magasin para magamit ng kongregasyon sa mga buwang iyon. Pakisuyong ipadala ang inyong espesyal na mga pidido upang makarating ang mga ito sa sangay sa Pebrero 1, 2004. Ito ang titiyak na tatanggap kayo ng karagdagang mga magasin kasabay ng inyong regular na pidido.

◼ Mula Marso 15, 2004, hanggang Mayo 16, 2005, pag-aaralan ang aklat na Maging Malapít kay Jehova sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat. Yaong mga nangangailangan ng mga aklat para sa pag-aaral ay dapat magpadala na ngayon ng kanilang mga pidido.

◼ Makukuhang Bagong Publikasyon:

The Guidance of God—Our Way to Paradise—Tausug (Pansinin: Ang brosyur na ito para sa mga Muslim ay makukuha na ngayon sa isa sa kanilang mga wika.)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share