Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa oral na repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo simula sa Pebrero 23, 2004. Magdaraos ang tagapangasiwa sa paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Enero 5 hanggang Pebrero 23, 2004. [Pansinin: Kapag walang mga reperensiya pagkatapos ng tanong, kakailanganin mong gumawa ng pagsasaliksik upang masumpungan ang mga sagot.—Tingnan ang Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 36-7.]
KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Ano ang magagawa natin upang matiyak na ang praktikal na kahalagahan ng inihaharap na materyal ay maliwanag sa ating mga tagapakinig at tunay na kapaki-pakinabang sa kanila? [be p. 158 par. 2-4]
2. Bakit dapat nating piliin nang maingat ang ating mga salita? [be p. 160 par. 1 at ikalawang kahon]
3. Anong pangunahing kahilingan sa mabuting pagsasalita ang itinatampok sa 1 Corinto 14:9, at paano natin maikakapit ang simulaing ito sa ating pagtuturo? [be p. 161 par. 1-4]
4. Gaya ng makikita sa Mateo 5:3-12 at Marcos 10:17-21, ano ang isang namumukod-tanging katangian ng pagtuturo ni Jesus na matutularan natin? [be p. 162 par. 4]
5. Sa ating ministeryo o kapag nagkokomento sa mga pulong ng kongregasyon, bakit dapat tayong magsikap na gumamit ng mga salitang nagbabadya ng puwersa, damdamin, at kulay? (Mat. 23:37, 38) [be p. 163 par. 3–p. 164 par. 1]
ATAS BLG. 1
6. Ano ang tema ng isang pahayag, at paanong ang laging pagsasaisip dito ay mabisa kapag pumipili at nag-oorganisa ng materyal para sa pahayag? [be p. 39 par. 6–p. 40 par. 1]
7. (a) Ano ang kahulugan ng pagiging malinis sa espirituwal, at bakit maituturing na pinakamahalagang kalinisan sa lahat ang espirituwal na kalinisan? (b) Paano maiiwasang tanggapin ng mga Kristiyano ang karumihan sa moral na karaniwan sa sanlibutan? [w02 2/1 p. 5-6]
8. Sa lahat ng mga simulaing nasa Bibliya, aling mga simulain ang mas mahalaga? [w02 2/15 p. 5 par. 1, 4, 6]
9. Ano ang empatiya, at paano ipinamalas ni Jesus ang katangiang ito? [w02 4/15 p. 25 par. 4-5]
10. Paano kumakapit sa mga kongregasyon ng bayan ni Jehova ang Kawikaan 11:11? [w02 5/15 p. 27 par. 1-3]
LINGGUHANG PAGBASA SA BIBLIYA
11. Sa ano kumakatawan ang “punungkahoy ng buhay” na binabanggit sa Genesis 2:9?
12. Bakit naiwala ng asawa ni Lot ang kaniyang buhay? (Gen. 19:26) [w90 4/15 p. 18 par. 10]
13. Sa makahulang drama sa Genesis kabanata 24, sino ang inilalarawan (a) ni Abraham, (b) ni Isaac, (c) ng lingkod ni Abraham na si Eliezer, (d) ng sampung kamelyo, at (e) ni Rebeka?
14. Itinadhana ba ng Diyos sina Jacob at Esau? (Gen. 25:23)
15. Sa anong paraan isang mabuting halimbawa si Raquel ng isa na marubdob na nagsikap anupat pinagpala ni Jehova ang kaniyang pagsisikap? (Gen. 30:1-8) [w02 8/1 p. 29-30]