Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Marso: Itatampok ang aklat na Kaalaman, sa tunguhing makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Kung ang mga tao ay mayroon na ng publikasyong ito, maaaring ialok ang Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel! Abril at Mayo: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Kapag dumadalaw-muli sa mga taong interesado, dalawin din ang mga dumalo sa Memoryal o sa iba pang teokratikong mga okasyon subalit hindi aktibong nakikisama sa kongregasyon. Pagtuunan ng pansin ang pagpapasakamay ng aklat na Sambahin ang Diyos at sikaping makapagpasimula ng isang pantahanang pag-aaral sa Bibliya, lalo na sa mga indibiduwal na nakapag-aral na sa aklat na Kaalaman at sa brosyur na Hinihiling. Hunyo: Ang bagong aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro. Kung sabihin ng mga indibiduwal na wala silang anak, ialok ang brosyur na Hinihiling.
◼ Ang mga mamamahayag na nagnanais maglingkod bilang mga auxiliary pioneer sa Abril at Mayo ay dapat magplano na ngayon at magsumite ng kanilang mga aplikasyon nang maaga. Makatutulong ito sa matatanda na gumawa ng kinakailangang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan at makakuha ng sapat na mga magasin at iba pang literatura para magamit nila. Ang mga pangalan ng mga inaprobahan bilang mga auxiliary pioneer ay dapat ipatalastas sa kongregasyon.
◼ Pagbabasa ng Bibliya sa Memoryal: Ang lahat ay hinihimok na basahin ang iminungkahing bahagi ng Bibliya na nakaiskedyul sa 2004 Calendar at sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw, na magsisimula sa Marso 30 at magtatapos sa araw ng Memoryal, Abril 4.