Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa oral na repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo simula sa Agosto 30, 2004. Magdaraos ang tagapangasiwa sa paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Hulyo 5 hanggang Agosto 30, 2004. [Pansinin: Kapag walang mga reperensiya pagkatapos ng tanong, kakailanganin mong gumawa ng pagsasaliksik upang masumpungan ang mga sagot.—Tingnan ang Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 36-7.]
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Paano natin maipaliliwanag ang dahilan ng ating pag-asa “taglay ang mahinahong kalooban at matinding paggalang”? (1 Ped. 3:15) [be p. 192 par. 2-4]
2. Bakit mahalaga na magsalita nang may pananalig? (Roma 8:38, 39; 1 Tes. 1:5; 1 Ped. 5:12) [be p. 194]
3. Paano nahahayag ang pananalig? [be p. 195 par. 3–p. 196 par. 4]
4. Ano ang taktika, bakit ito mahalaga, at paano tayo magiging mataktika subalit matatag? (Roma 12:18) [be p. 197]
5. Bago magsalita, ano ang isasaalang-alang ng isang taong mataktika? (Kaw. 25:11; Juan 16:12) [be p. 199]
ATAS BLG. 1
6. Paano mahahalata sa ating mga pakikipag-usap at mga kaugalian sa pag-aaral ng Bibliya kung gaano na kalawak ang nagawa nating pagsulong sa katotohanan? [be p. 74 par. 3–p. 75 par. 2]
7. Ano ang kahulugan ng ‘pagbili sa naaangkop na panahon para sa inyong sarili,’ at paano natin ito magagawa? (Efe. 5:16) [w02 11/15 p. 23]
8. Paano nililiwanag ng Kasulatan na lahat ng tao ay pantay-pantay sa paningin ng Diyos, at paano ito dapat makaapekto sa ating ministeryo? [w02 1/1 p. 5, 7]
9. Ano ang kahulugan ng natatanging pangalan ng Maylalang, na Jehova? [w02 1/15 p. 5]
10. Ano ang dahilan kung bakit naging “lalong higit ang halaga” ng hain ni Abel kaysa sa hain ni Cain, at anong aral ang matututuhan natin dito hinggil sa ating “hain ng papuri”? (Heb. 11:4; 13:15) [w02 1/15 p. 21 par. 6-8]
LINGGUHANG PAGBASA SA BIBLIYA
11. Paano makatutulong sa atin ang Levitico 18:3 upang maiwasang magkaroon ng pilipit na pagkadama ng tama at mali? (Efe. 4:17-19) [w02 2/1 p. 29]
12. Ano ang makahulang inilalarawan ng “dalawang tinapay” na inihahandog ng mataas na saserdote bilang “handog na ikinakaway” sa panahon ng Kapistahan ng mga Sanlinggo (Pentecostes)? (Lev. 23:15-17) [w98 3/1 p. 13 par. 21]
13. Sa isang kaso ng pangangalunya na gaya ng binabanggit sa Bilang kabanata 5, sa anong diwa ‘mahuhulog ang hita’ ng isang nagkasalang babae? (Bil. 5:27) [w84-E 4/15 p. 29]
14. Bakit nagsalita laban kay Moises sina Miriam at Aaron dahil sa kaniyang asawang Cusita? (Bil. 12:1)
15. Ano ang “aklat ng Mga Digmaan ni Jehova”? (Bil. 21:14)