Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin nang tanong-sagot sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Disyembre 27, 2004. Magdaraos ang tagapangasiwa sa paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Nobyembre 1 hanggang Disyembre 27, 2004. [Pansinin: Kapag walang mga reperensiya pagkatapos ng tanong, kakailanganin mong gumawa ng pagsasaliksik upang masumpungan ang mga sagot.—Tingnan ang Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 36-7.]
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Ano ang isa sa pinakamabuting paraan upang pukawin ang interes ng tagapakinig sa paksa? [be p. 218 par. 3]
2. Itala ang limang katangian ng isang mabisang konklusyon. [be p. 221 par. 1-5]
3. Paano natin matitiyak na tumpak ang ating pananalita? [be kahon sa p. 224]
4. Paano natin matitiyak na masasalamin sa ating mga presentasyon sa mga pulong na iginagalang natin ang papel ng kongregasyon bilang “haligi at suhay ng katotohanan”? (1 Tim. 3:15) [be p. 224 par. 1-4]
5. Hinggil sa mga ulat ng kasalukuyang mga pangyayari, mga pagsipi, at mga karanasan, paano natin maikakapit ang Kawikaan 14:15? [be p. 225 par. 1]
ATAS BLG. 1
6. Paano maaaring kalkulahin ang panahon mula sa Baha pabalik sa paglalang kay Adan? [si p. 286 par. 12]
7. Paano matitiyak ang petsa ng pasimula ng ministeryo ni Jesus, at ano ang saligan upang maniwala na tumagal lamang ito nang tatlo at kalahating taon? [si p. 291 par. 16]
8. (a) Kailan lumabas ang “salita na isauli at muling itayo ang Jerusalem”? (b) Gaano karaming taon ang lilipas mula sa panahong iyon hanggang sa paglitaw ni Jesus bilang Mesiyas? (Dan. 9:24-27) [si p. 291 par. 18-19]
9. Ano ang kalakip sa taimtim na paghingi ng paumanhin na nagbubunga ng ‘pakikipagpayapaan sa ating kapatid’? (Mat. 5:23, 24) [w02 11/1 p. 6 par. 2, 6]
10. Ano ang itinuturo sa atin ng 2 Hari 13:18, 19 hinggil sa pagtupad sa ating mga atas mula sa Diyos? [w02 12/1 p. 31 par. 1-2]
LINGGUHANG PAGBASA SA BIBLIYA
11. Bakit maibibigay ng mga Israelita sa naninirahang dayuhan o maipagbibili nila sa isang banyaga ang bangkay ng hayop na hindi pinatulo ang dugo at hindi kinakain ng mga Israelita mismo? (Deut. 14:21)
12. Anong aral ang ibinibigay sa atin sa Deuteronomio 20:5-7?
13. Bakit inihalintulad ang pag-agaw sa “isang gilingang pangkamay o sa pang-ibabaw na batong panggiling nito bilang panagot” sa pag-agaw sa “isang kaluluwa”? (Deut. 24:6)
14. Yamang ipinagbawal sa mga Israelita ang kumain ng anumang taba, ano ang kahulugan ng pagkain nila ng “taba ng mga barakong tupa”? (Deut. 32:13, 14)
15. Ano ang modernong-panahong kahawig ng makasalanang landasin ni Acan? (Jos. 7:1-26) [w86 12/15 p. 20 par. 20]