Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/05 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
km 7/05 p. 3

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Hulyo at Agosto: Maaaring ialok ang alinmang brosyur. Setyembre: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Kung tanggihan ng mga may-bahay ang alok na aklat, ialok ang brosyur na Patuloy na Magbantay! Oktubre: Ialok ang indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Kapag nagpakita ng interes, pakisuyong iharap ang brosyur na Hinihiling.

◼ Sa Sabado, Agosto 27, 2005, magkakaroon ng pangkalahatang paglilinis sa Tahanang Bethel sa Quezon City, kaya ang tanggapan ay isasara sa umagang iyon at walang isasagawang mga tour sa araw na iyon. Ang literature reception ay isasara rin sa umagang iyon.

◼ Pasimula sa unang linggo ng Setyembre, ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay magbibigay ng pahayag pangmadla na pinamagatang “Kumilos Nang May Karunungan sa Isang Hangal na Sanlibutan” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon.

◼ Iminumungkahi na ang mga aplikasyon para sa paglilingkod bilang regular pioneer ay ipadala sa tanggapang pansangay nang di-kukulangin sa 30 araw bago ang napiling petsa ng pagpapasimula. Kaya, dapat isumite sa matatanda ng mga nagnanais mag-regular pioneer sa pasimula ng taon ng paglilingkod sa Setyembre 1 ang kanilang mga aplikasyon sa buwan ng Hulyo. Dapat repasuhin ng kalihim ng kongregasyon ang mga form upang matiyak na ang mga ito ay kumpletong napunan. Kung hindi maalaala ng mga aplikante ang eksaktong petsa ng kanilang bautismo, dapat nilang tantiyahin ang petsa at tandaan ito bilang petsa ng kanilang bautismo. Dapat itong itala ng kalihim sa Congregation’s Publisher Record (S-21) card.

◼ Dapat tiyakin ng mga kalihim ng kongregasyon na mayroon silang Pioneer Appointment Letter (S-202) para sa bawat regular pioneer sa kongregasyon. Kung hindi ito kumpleto, pakisuyong sumulat sa tanggapang pansangay.

◼ Ang tanggapang pansangay ay kailangang mag-ingat ng isang napapanahong rekord ng mga adres at numero ng telepono ng lahat ng punong tagapangasiwa at kalihim. Kailanma’t may pagbabago, dapat punan, lagdaan, at ipadala kaagad ng Komite sa Paglilingkod ng Kongregasyon ang form na Presiding Overseer/Secretary Change of Address (S-29) sa tanggapang pansangay. Ipadadala rin ito kung may anumang pagbabago sa mga area code ng telepono.

◼ Makukuhang Bagong MP3 Compact Disc:

New World Translation of the Holy Scriptures—MP3—Ingles (Isang set ng anim na compact disc)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share