Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa oral na repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Agosto 29, 2005. Magdaraos ang tagapangasiwa sa paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Hulyo 4 hanggang Agosto 29, 2005. [Pansinin: Kapag walang mga reperensiya pagkatapos ng tanong, kakailanganin mong gumawa ng pagsasaliksik upang masumpungan ang mga sagot.—Tingnan ang Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 36-7.]
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Kapag ibinabahagi natin sa iba ang ating pag-asa, paano natin ‘maipakikilala sa lahat ng tao ang ating pagkamakatuwiran,’ at bakit ito mahalaga? (Fil. 4:5; Sant. 3:17) [be p. 251 par. 1-3, kahon]
2. Paanong ang pagkaalam kung kailan magpaparaya ay makatutulong sa atin na maging matagumpay sa pakikitungo sa iba? [be p. 253 par. 1-2]
3. Bakit mahalaga ang mahusay na paggamit ng mga tanong kapag tinutulungan natin ang iba na mangatuwiran hinggil sa isang punto? [be p. 253 par. 3-4]
4. Anu-anong salik ang dapat isaalang-alang upang gawing nakapanghihikayat ang isang presentasyon? [be p. 255 par. 1-4, kahon; p. 256 par. 1, kahon]
5. Ano ang dapat nating tandaan kung ipapasiya nating gumamit ng karagdagang ebidensiya upang patunayan ang pagiging makatuwiran ng Kasulatan? [be p. 256 par. 3-5, kahon]
ATAS BLG. 1
6. Anong malinaw na ebidensiya ang nagpapatunay sa pagiging makasaysayan ni Jesus? [w03 6/15 p. 4-7]
7. Paanong “ang bibig ng mga matuwid ang magliligtas sa kanila,” at paanong ang bahay ng mga matuwid ay “mananatiling nakatayo”? (Kaw. 12:6, 7) [w03 1/15 p. 30 par. 1-3]
8. Yamang hindi naman isinulat ang Bibliya na parang listahan ng mga dapat at hindi dapat gawin, paano natin ‘mapag-uunawa kung ano ang kalooban ni Jehova’? (Efe. 5:17) [w03 12/1 p. 21 par. 3–p. 22 par. 3]
9. Anu-anong simulain sa Bibliya ang makatutulong sa isang tao na mabata ang kahirapan o di-kaayaayang mga kalagayan sa ekonomiya? [w03 8/1 p. 5 par. 2-5]
10. Paano dapat makaapekto sa atin ang halimbawa ni Jehova sa kusang-loob na pagbibigay? (Mat. 10:8) [w03 8/1 p. 20-2]
LINGGUHANG PAGBASA SA BIBLIYA
11. Ano ang kahulugan ng dalawang haligi na pinanganlang Jakin at Boaz sa pasukan ng templong itinayo ni Solomon? (1 Hari 7:15-22)
12. Kasuwato ba ng Kautusang Mosaiko ang pagreregalo ni Solomon ng 20 lunsod sa lupain ng Galilea kay Haring Hiram ng Tiro? (1 Hari 9:10-13)
13. Anong aral ang matututuhan natin sa pagkamasuwayin ng “isang lalaki ng Diyos”? (1 Hari 13:1-25)
14. Sa anong paraan ipinakita ni Haring Asa ng Juda ang kaniyang lakas ng loob, at ano ang matututuhan natin sa kaniyang halimbawa? (1 Hari 15:11-13)
15. Paano inilalarawan ng pangyayaring nagsasangkot kay Haring Ahab at Nabot ang panganib ng pagkahabag sa sarili? (1 Hari 21:1-16)