Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Disyembre: Maaaring ialok ang alinman sa sumusunod na mga aklat: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?, Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, o Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Enero: Maaaring ialok ang alinmang aklat na inilathala bago ang taóng 1991 na nasa stock ng kongregasyon. Sa mga kongregasyon na walang mas matatagal nang aklat, maaaring ialok ang brosyur na Patuloy na Magbantay! Maaari kayong mag-order nito sa tanggapang pansangay. Pebrero: Itatampok ang aklat na Maging Malapít kay Jehova.
◼ Kung alam mong wala ka sa kongregasyon sa katapusan ng Disyembre dahil dadalo ka sa isang pandistritong kombensiyon, tiyaking maibibigay mo sa inyong tagapangasiwa sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat ang iyong ulat ng paglilingkod sa larangan bago ka umalis. O, kung hindi ka naman kalayuan, maaari mong itawag sa telepono o i-text sa kaniya o sa kalihim ng kongregasyon ang iyong ulat, sa gayo’y nagiging ‘tapat ka sa pinakakaunti.’—Luc. 16:10.
◼ 2006 Taunang Teksto: Ang taunang teksto para sa 2006 ay hinalaw sa Gawa 5:29: “Dapat naming sundin ang Diyos bilang tagapamahala sa halip na mga tao.” Dapat isaayos ng lahat ng kongregasyon na mailagay ang bagong taunang teksto sa kanilang Kingdom Hall pasimula sa Enero 1, 2006.
◼ Ang pahina 5 at 6 ng isyung ito ng Ating Ministeryo sa Kaharian ay dapat ingatan para gamitin sa pagtalakay sa programa ng pansirkitong asamblea at ng araw ng pantanging asamblea para sa 2006 taon ng paglilingkod. Dapat na maging alisto ang matatanda na isaayos ang mga bahagi sa Pulong sa Paglilingkod bago at pagkatapos ng pansirkitong asamblea at ng araw ng pantanging asamblea, gaya ng itinagubilin sa insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Disyembre 2004, pahina 4.
◼ Pagbabago sa Pandistritong Kombensiyon: Ang kombensiyon sa Valencia City, Bukidnon ay gaganapin sa Disyembre 2-4, 2005 sa halip na sa Disyembre 9-11.