Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/06 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
km 1/06 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Enero: Maaaring ialok ang alinmang aklat na inilathala bago ang taóng 1991 na nasa stock ng kongregasyon. Sa mga kongregasyon na walang mas matatagal nang aklat, maaaring ialok ang brosyur na Patuloy na Magbantay! Maaari kayong umorder nito sa tanggapang pansangay. Pebrero: Itatampok ang aklat na Maging Malapít kay Jehova. Marso: Iaalok natin ang bagong aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Abril at Mayo: Indibiduwal na mga kopya ng Bantayan at Gumising!

◼ Simula sa Marso 2006, ang bagong pahayag pangmadla ng mga tagapangasiwa ng sirkito ay “Bakit Dapat Magpaakay sa Bibliya?”

◼ Dapat gumawa ng mga kaayusan ang mga kongregasyon upang ipagdiwang ang Memoryal sa taóng ito sa Miyerkules, Abril 12, pagkalubog ng araw. Dapat idaos ng ibang araw ang mga pulong na karaniwang nakaiskedyul sa araw ng Miyerkules. Bagaman ang pahayag ay maaaring magsimula nang mas maaga, ang pagpapasa ng mga emblema ng Memoryal ay hindi dapat magsimula hangga’t hindi pa lumulubog ang araw. Kailangang baguhin ng mga tagapangasiwa ng sirkito ang iskedyul ng kanilang pulong sa linggong iyon depende sa mga kalagayan sa kanilang lugar. Bagaman kanais-nais para sa bawat kongregasyon na magdaos ng kanilang sariling pagdiriwang ng Memoryal, baka hindi ito laging posible. Kapag maraming kongregasyon ang gumagamit ng iisang Kingdom Hall, marahil ang isa o higit pang kongregasyon ay makakakuha ng ibang pasilidad para gamitin sa gabing iyon. Kung posible, iminumungkahi namin na magkaroon ng di-kukulangin sa 40-minutong pagitan ang mga programa upang ang lahat ay makinabang nang lubusan sa okasyon.

◼ Dahil sa kahalagahan ng Memoryal, ang lupon ng matatanda ay dapat pumili ng isang mas kuwalipikadong matanda upang maging tagapagsalita sa Memoryal sa halip na basta magsalit-salitan o iyo’t iyon ding kapatid ang magpahayag taun-taon. Kung isang elder na kabilang sa mga pinahiran ang kuwalipikadong magpahayag, siya ang dapat piliin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share