Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Mayo: Indibiduwal na mga kopya ng Bantayan at Gumising! Kapag dumadalaw-muli sa mga interesado, pati na sa mga dumalo sa Memoryal o sa iba pang teokratikong okasyon ngunit hindi aktibong nakikisama sa kongregasyon, magtuon ng pansin sa pagpapasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya gamit ang aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Hunyo: Ialok ang aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro. Kung sasabihin ng mga indibiduwal na wala silang anak, ialok ang aklat na Kaligayahan sa Pamilya. Hulyo at Agosto: Maaaring ialok ang alinman sa mga brosyur.
◼ Dapat i-audit ng punong tagapangasiwa o ng inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon sa Hunyo 1 o karaka-raka hangga’t maaari pagkatapos nito. Kapag natapos na ito, dapat itong ipatalastas sa kongregasyon pagkatapos basahin ang susunod na ulat ng kuwenta.
◼ Sa susunod na ilang buwan ay ipadadala namin ang mga form na kakailanganin ninyo sa kongregasyon sa darating na taon ng paglilingkod. Kung mayroon pa kayong ibang mga form na kakailanganin, maaaring i-order ang mga ito sa karaniwang paraan, na ginagamit ang Literature Request Form (S-14). Ang mga form ay ipinadadala nang walang bayad, ngunit walang alinlangan na ang mga kongregasyon ay nagnanais magbigay ng makatuwirang kontribusyon para sa pambuong-daigdig na gawain upang tumulong sa mga gastusin sa pag-iimprenta at pagpapadala. Pakisuyong pansinin na ang mga badge card para sa 2006 Pandistritong Kombensiyon ay isasama sa ipadadalang mga form, kaya hindi na kailangan pang i-order ang mga ito malibang masumpungan ninyong kulang ang ipinadala sa inyo. Gayunman, kailangan ninyong umorder ng mga celluloid badge holder sa regular na Literature Request Form (S-14).
◼ Kailangang magkaroon ang tanggapang pansangay ng pinakabagong rekord ng mga adres at numero ng telepono ng lahat ng mga punong tagapangasiwa at kalihim. Kung may anumang pagbabago, dapat na kumpletuhin, pirmahan, at ipadala kaagad ng Komite sa Paglilingkod ng Kongregasyon ang form na Presiding Overseer/Secretary Change of Address (S-29) sa tanggapang pansangay. Kalakip dito ang anumang mga pagbabago sa mga area code ng telepono.