Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/06 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
km 8/06 p. 3

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Agosto: Maaaring ialok ang alinman sa mga brosyur. Setyembre: Iaalok ang aklat na Itinuturo ng Bibliya. Dapat gumawa ng pantanging pagsisikap na makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya sa unang pagdalaw. Ang lahat ng napag-iwanan ng literatura ay dapat dalawing muli sa layuning makapagpasimula ng pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Oktubre: Ialok ang indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Kapag may nagpakita ng interes, ipakita ang brosyur na Patuloy na Magbantay! upang malinang pa ang interes sa Bibliya. Nobyembre: Iaalok ang aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro. Kapag sinabi ng may-bahay na wala silang anak, ialok ang tract na Gusto Mo Bang Makaalam Nang Higit Pa Tungkol sa Bibliya? o iba pang naaangkop na tract.

◼ Dapat i-audit ng punong tagapangasiwa o ng inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon sa Setyembre 1 o karaka-raka hangga’t maaari pagkaraan nito. Ipatalastas sa kongregasyon kapag nagawa na ito.

◼ Ang bawat kongregasyon ay tatanggap ng dalawang kopya ng Congregation Analysis Report (S-10) kalakip ng statement ng Hunyo. Pupunan ng kalihim ng kongregasyon ang form na ito sa paraang tumpak at malinis. Pagkatapos, dapat itong maingat na suriin ng komite sa paglilingkod. Itatala sa likod ng form na ito ang lahat ng regular pioneer, pati na ang kabuuang oras nila para sa taon ng paglilingkod. Ang orihinal na kopya ng form na ito ay ipadadala sa tanggapang pansangay nang hindi lalampas sa Setyembre 6. Ingatan ang ekstrang kopya para sa inyong rekord.

◼ Dapat nang ipadala ngayon sa tanggapang pansangay ang mga order para sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2007 at 2007 Calendar. Magpapadala kami ng special order blank para sa dalawang ito kasama ang statement ng Hunyo. Kung mahigit sa isang kongregasyon ang gumagamit ng Kingdom Hall, ang order ng bawat kongregasyon ay kokolektahin ng literature coordinator at pagsasama-samahin sa isang order blank na ipadadala sa tanggapang pansangay nang hindi lalampas sa Agosto 15, 2006.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share