Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong sa repaso ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Disyembre 25, 2006. Magdaraos ang tagapangasiwa ng paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Nobyembre 6 hanggang Disyembre 25, 2006. [Pansinin: Kapag walang mga reperensiya pagkatapos ng tanong, kakailanganin mong gumawa ng pagsasaliksik upang masumpungan ang mga sagot.—Tingnan ang Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 36-7.]
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Ano ang dapat na maging giya natin sa pagpili ng tamang pagpapakilala sa isang kasulatan? [be p. 148 par. 4–p. 149 par. 1]
2. Anu-ano ang ilang paraang magagamit natin upang matiyak ang wastong pagdiriin sa ating mga salita at pananalita? [be p. 151 par. 4–p. 152 par. 3]
3. Yamang maselang bagay ang pagtuturo sa iba ng Salita ng Diyos, ano ang kailangan upang ‘magamit nang wasto ang salita ng katotohanan’? (2 Tim. 2:15) [be p. 153 par. 1-3, kahon; be p. 154 par. 1-2]
4. Sa anu-anong paraan natin magagawang malinaw ang pagkakapit ng mga kasulatang binabasa natin? [be p. 154 par. 4–p. 155 par. 3]
5. Bakit napakahalagang linawin ang praktikal na kahalagahan ng ating materyal, at anu-ano ang ilang paraan upang magawa ito? [be p. 157 par. 1-4, kahon; p. 158 par. 1]
ATAS BLG. 1
6. Sa anong diwa naging tagapagtipon si Solomon? [si p. 112 par. 1-3]
7. Paano naging kasuwato ng mga turo ni Jesus ang Eclesiastes? [si p. 114 par. 16]
8. Ano ang katibayan ng pagiging kanonikal ng Awit ni Solomon? [si p. 115 par. 3-4]
9. Paanong ang Dead Sea Scroll ni Isaias ay nagbibigay ng matibay na patotoo na ang ating Bibliya sa ngayon ay naglalaman ng orihinal na kinasihang sulat? [si p. 118 par. 6]
10. Ano ang makatutulong sa tagapagsalita upang hindi na siya mangailangan ng mas detalyadong nota? [be p. 42 par. 1]
LINGGUHANG PAGBABASA NG BIBLIYA
11. Paano masasabing “yaong mga humahanap kay Jehova ay nakauunawa ng lahat ng bagay”? (Kaw. 28:5)
12. Paanong “ang pagpapagal ng mga hangal ay nakapanghihimagod sa kanila”? (Ecles. 10:15)
13. Paano naging gaya ng “isang hardin na nababakuran” ang dalagang Shulamita, at paano masasabing isa siyang magandang halimbawa para sa mga dalagang Kristiyano? (Sol. 4:12)
14. Sa pag-aanyaya sa mga Israelita na “ituwid natin ang mga bagay-bagay,” ipinahihiwatig ba ni Jehova na handa siyang makipag-areglo sa kaniyang bayan? (Isa. 1:18a)
15. Paano natupad noon ang Isaias 11:6-9, at ano ang mas malaking katuparan nito?