Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/06 p. 3-4
  • Magplano Na Ngayong Mag-auxiliary Pioneer!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Magplano Na Ngayong Mag-auxiliary Pioneer!
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
km 12/06 p. 3-4

Magplano Na Ngayong Mag-auxiliary Pioneer!

1. Bakit tayo dapat magtakda ng mga tunguhin sa darating na taon ng paglilingkod?

1 Kung nais nating sumulong sa espirituwal, dapat tayong magtakda ng mga tunguhin. Anu-anong espirituwal na tunguhin ang itinakda mo sa darating na taon? Napakagandang tunguhin ang mag-auxiliary pioneer. Yamang karaniwan nang nangangailangan ng patiunang pagpaplano ang kasiya-siyang gawaing ito, ngayon na ang tamang panahon para pag-isipan ito. Bakit dapat pag-isipan ang pag-o-auxiliary pioneer bilang tunguhin?

2. Bakit dapat pag-isipan ang pag-o-auxiliary pioneer bilang tunguhin?

2 Ang pag-o-auxiliary pioneer ay isang pagkakataon para makapaglingkod tayo sa ating makalangit na Ama “nang lubus-lubusan” sa pamamagitan ng paggugol ng higit na panahon sa ministeryo. (1 Tes. 4:1) Habang pinag-iisipan natin ang lahat ng ginawa ni Jehova para sa atin, inuudyukan tayo ng ating puso na “maghandog sa Diyos ng hain ng papuri.” (Heb. 13:15; 1 Juan 4:9, 10) Mangyari pa, ang pag-o-auxiliary pioneer ay nangangailangan ng pagsisikap at pagsasakripisyo ng panahon. Alam na alam ni Jehova ang ating indibiduwal na mga kalagayan at ang personal na mga sakripisyong ginagawa natin para makapaglingkod sa kaniya. (Heb. 6:10) Masayang-masaya tayo dahil alam nating nalulugod si Jehova sa ating pagpapagal.—1 Cro. 29:9; Isa. 65:14.

3, 4. Paano tayo nakikinabang sa pag-o-auxiliary pioneer?

3 Mga Pakinabang: Kapag palagi mong ginagawa ang isang bagay, karaniwan nang lalo itong nagiging madali at kasiya-siya. Ang paggugol ng higit na panahon sa ministeryo ay tutulong sa iyo na maging mas palagay sa pakikipag-usap sa may-bahay. Lalong magiging madali sa iyo ang pakikipag-usap at paggamit ng Bibliya. Kapag palagi mong ipinakikipag-usap ang iyong pananampalataya, lalo itong tumitibay. Marami sa mga walang tinuturuan sa Bibliya ang nakapagpapasimula nito habang sila ay auxiliary pioneer.

4 Ang pag-o-auxiliary pioneer ay puwede ring magpasigla sa atin kapag nagiging rutin na lamang ang ating paglilingkod. Isang dating regular pioneer na nakapansing masyado na siyang nagiging subsob sa trabaho ang nagpasiyang mag-auxiliary pioneer nang isang buwan. Ang sabi niya: “Hindi ko akalaing mapasisigla ako nang ganito sa espirituwal sa loob ng isang buwang iyon! Nagsaayos ako na mag-auxiliary pioneer nang tuluy-tuloy, na tumulong naman sa akin upang maging regular pioneer muli.”

5. Paano natin madaraig ang ilang karaniwang hadlang sa pag-o-auxiliary pioneer?

5 Daigin ang mga Hadlang: Nagdadalawang-isip ang ilan na mag-aplay bilang auxiliary pioneer dahil iniisip nilang hindi sila mahusay mangaral. Kung ito ang dahilan ng iyong pag-aatubili, tandaan na matutulungan ka ni Jehova. Bagaman ‘mabagal ang bibig at mabagal ang dila’ ni Moises, ginamit pa rin siya ni Jehova upang ganapin ang Kaniyang kalooban. (Ex. 4:10-12) Kung ikaw ay may karamdaman o masyadong abala, huwag mong aalisin agad sa isip mo ang pag-o-auxiliary pioneer. Baka naman mas madali palang maabot ang kinakailangang oras kaysa sa inaakala mo. Ang limampung oras sa isang buwan ay nangangahulugan ng wala pang dalawang oras araw-araw. Kung makagagawa ka ng makatuwirang iskedyul, baka posibleng makapag-auxiliary pioneer ka. Kung masyado kang abala, baka naman puwedeng sa ibang buwan mo na gawin ang ilang di-gaanong importanteng gawain. Ang ilang mamamahayag na maghapon sa trabaho ay nakabibili ng panahon para makapag-auxiliary pioneer sa pamamagitan ng pagbabakasyon nang kahit isa o dalawang araw lamang.—Col. 4:5.

6. Bakit makatutulong na ipanalangin ang pag-o-auxiliary pioneer?

6 Kung Paano Ito Gagawin: Kung hindi ka siguradong makapag-o-auxiliary pioneer, ipanalangin mo ang iyong pagnanais na ito. (Roma 12:11, 12) Hilingin mo kay Jehova na pagpalain sana ang iyong pagsisikap na mapalawak pa ang iyong ministeryo. Matutulungan ka niyang makagawa ng matatalinong desisyon kung paano mo babaguhin ang iyong iskedyul. (Sant. 1:5) Kung wala sa iyo ang ganitong pagnanais, hilingin kay Jehova na tulungan ka sanang makasumpong ng kagalakan sa pangangaral. (Luc. 10:1, 17) Kung sa palagay mo ay wala kang kakayahan, makiusap kay Jehova na bigyan ka sana ng lakas ng loob.—Gawa 4:29.

7. Paano maaaring makatulong ang pagkakapit ng Kawikaan 15:22 para makapag-auxiliary pioneer ang isa sa pamilya?

7 Pag-usapan bilang pamilya ang tunguhing pag-o-auxiliary pioneer. (Kaw. 15:22) Baka puwedeng mag-auxiliary pioneer ang isa kung tutulungan siya ng kaniyang kapamilya. Halimbawa, maaaring magsalitan ang mga miyembro ng pamilya sa pagsama sa auxiliary pioneer sa gabi o sa dulo ng sanlinggo. Maaari silang tumulong sa mga gawain na karaniwang inaasikaso ng auxiliary pioneer. Bukod dito, sabihin sa iba sa kongregasyon, lalo na sa mga may kalagayang katulad ng sa iyo, ang pagnanais mong magpayunir. Maaari itong makapagpasigla at makaragdag ng suporta.

8. Anu-anong buwan ang maaari mong piliin para mag-auxiliary pioneer?

8 Tingnan ang kalendaryo para sa 2007, at alamin kung kailan ka puwedeng mag-auxiliary pioneer. Kung maghapon kang nagtatrabaho o pumapasok sa paaralan, baka puwede mong tingnan ang mga buwan na may ekstrang Sabado, ekstrang Linggo, o pista opisyal. Ang Marso at Hunyo ay may limang Sabado, at ang Abril at Hulyo ay may limang Linggo. Ang Setyembre at Disyembre naman ay may limang Sabado at Linggo. Baka gusto mong tingnan ang mga buwan na karaniwan nang maganda ang lagay ng panahon. Baka nais mong mag-auxiliary pioneer sa buwang dadalaw sa inyong kongregasyon ang tagapangasiwa ng sirkito. Kapag napili mo na ang mga buwan na gusto mong mag-auxiliary pioneer, isulat mo na ang iyong iskedyul para maabot mo ang hinihiling na oras.

9. Ano ang puwede nating gawin kung hindi pala posible sa atin na mag-auxiliary pioneer?

9 Maaari din namang matapos mong maingat na ‘tuusin ang gastusin,’ hindi pala posible para sa iyo na mag-auxiliary pioneer sa darating na mga buwan. (Luc. 14:28) Gayunman, puwede mo pa ring mapanatili ang espiritu ng pagpapayunir. Patuloy mong gawin ang lahat ng iyong makakaya sa ministeryo, na umaasang nalulugod si Jehova kapag ibinibigay mo sa kaniya ang iyong buong makakaya. (Luc. 21:1-4) Baka naman magbago ang iyong kalagayan, at makapag-auxiliary pioneer ka sa hinaharap. Samantala, puwede kang magbigay ng suporta at pampatibay-loob sa mga nagkaroon ng pagkakataong masamantala ang larangang ito ng paglilingkod. Baka puwede mo pa ngang isaayos ang iyong iskedyul para makasama ka nila sa ministeryo nang isang araw pa sa loob ng isang linggo.

10. Bakit tayo dapat makadama ng pagkaapurahan?

10 Nadarama ng bayan ni Jehova ang pagkaapurahan. May trabaho tayong dapat gawin—ang pangangaral ng mabuting balita. Buhay ang nasasangkot, at maikli na ang panahong natitira. (1 Cor. 7:29-31) Ang pag-ibig sa Diyos at sa kapuwa ay magpapakilos sa atin na gawin ang lahat ng ating makakaya sa ministeryo sa taóng ito. Sa pamamagitan ng pagsisikap at mahusay na pagpaplano, makapag-o-auxiliary pioneer ka.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share