Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Mayo: Iaalok ang indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Kapag dumadalaw-muli sa mga interesado, pati na sa mga dumalo sa Memoryal ngunit hindi aktibong nakikisama sa kongregasyon, sikaping makapagpasakamay ng aklat na Itinuturo ng Bibliya sa layuning mapasimulan ang pag-aaral sa Bibliya. Hunyo: Iaalok ang aklat na Kaligayahan sa Pamilya. Hulyo at Agosto: Maaaring ialok ang alinman sa mga brosyur.
◼ Sa susunod na ilang buwan, ipadadala namin ang mga form na kakailanganin ninyo sa kongregasyon sa darating na taon ng paglilingkod. Kung may iba pa kayong mga form na kakailanganin, maaaring i-order ang mga ito sa karaniwang paraan, gamit ang Literature Request Form (S-14). Ang mga form ay ipinadadala nang walang bayad, ngunit walang alinlangan na ang mga kongregasyon ay nagnanais magbigay ng makatuwirang kontribusyon para sa pambuong-daigdig na gawain upang tumulong sa mga gastusin sa pag-iimprenta at pagpapadala. Pakisuyong pansinin na ang mga badge card para sa 2007 Pandistritong Kombensiyon ay isasama sa ipadadalang mga form, kaya hindi na kailangan pang i-order ang mga ito malibang kulang ang ipinadala sa inyo. Gayunman, kailangan ninyong umorder ng mga celluloid badge holder sa regular na Literature Request Form (S-14).
◼ Dapat repasuhin ng lupon ng matatanda ang liham na may petsang Hulyo 6, 2006, tungkol sa pagiging handa kapag may sakuna at dapat nilang tiyakin na pinakabago ang impormasyon para makontak ang bawat mamamahayag. Makatutulong kung ipaaalam ng mga mamamahayag sa tagapangasiwa ng kanilang Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat o iba pang elder na matagal silang mawawala, tulad halimbawa kapag naglalakbay sa bakasyon o trabaho, nagpaospital, at iba pa.
◼ Ang materyal para sa mga pahayag na nakapagtuturo na batay sa “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang” at tatalakayin sa taóng ito sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo ay inilathala sa isang brosyur para sa kapakinabangan ng lahat ng kongregasyong nagsasalita ng wikang Bicol, Hiligaynon, Pangasinan, at Samar-Leyte. Ang pamagat ng brosyur ay “All Scripture”—Authentic and Beneficial at ang mnemonic symbol nito ay bsi. Magpapadala ng sapat na kopya para sa bawat mamamahayag.
◼ Makukuhang Bagong DVD:
Organized to Share the Good News at Whole Association of Brothers—On DVD—Ingles (Dalawang video sa isang DVD. Ang unang video ay binagong edisyon ng video na Jehovah’s Witnesses—The Organization Behind the Name.)