Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Hulyo at Agosto: Maaaring ialok ang alinmang brosyur; gayunman, makabubuting laging magdala ng brosyur na Hinihiling upang magkaroon ng pagkakataong makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Setyembre: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Gumawa ng pantanging pagsisikap na makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya sa unang pagdalaw. Kung may ganito nang aklat ang mga may-bahay, ipakita kung paano sila makikinabang dito sa pamamagitan ng maikling pagtatanghal ng isang pag-aaral sa Bibliya. Oktubre: Mga magasing Ang Bantayan at Gumising! Kapag nagpakita ng interes ang kausap, iharap at talakayin ang tract na Gusto Mo Bang Makaalam Nang Higit Pa Tungkol sa Bibliya? sa layuning makapagpasimula ng isang pag-aaral sa Bibliya.
◼ Sa Sabado, Agosto 25, 2007, magkakaroon ng pangkalahatang paglilinis sa Tahanang Bethel sa Quezon City, kaya ang tanggapan ay isasara sa umagang iyon at walang isasagawang mga tour sa araw na iyon. Ang literature reception ay isasara din sa umagang iyon.
◼ Yamang may limang Sabado at Linggo ang Setyembre, magandang buwan ito para mag-auxiliary pioneer.
◼ Simula sa unang linggo ng Setyembre, ang pahayag pangmadla na bibigkasin ng mga tagapangasiwa ng sirkito ay pinamagatang “Bagong Sanlibutang Ipinangako ng Diyos—Sino ang Karapat-dapat Dito?”
◼ Ang taunang imbentaryo ng lahat ng literatura at magasing hawak ng kongregasyon ay dapat gawin sa Agosto 31, 2007, o sa petsang pinakamalapit dito hangga’t maaari. Ang mga imbentaryong ito ay katulad ng aktuwal na pagbibilang na ginagawa buwan-buwan ng literature coordinator, at ang kabuuan nito ay dapat isulat sa Literature Inventory (S-18) form. Ang kabuuang bilang ng hawak na mga magasin ay dapat kunin sa (mga) lingkod sa magasin. Dapat pangasiwaan ng kalihim ng coordinating congregation ang imbentaryo. Siya at ang punong tagapangasiwa ng coordinating congregation ang pipirma sa form. Ang bawat coordinating congregation ay tatanggap ng tatlong Literature Inventory form kasama ng statement para sa Hunyo. Pakisuyong ipadala ang orihinal na kopya sa tanggapang pansangay nang hindi lalampas sa Setyembre 6, 2007. Ingatan ang isang kopya sa inyong rekord. Ang ikatlong kopya ay maaaring gamitin bilang work sheet.
◼ Makukuhang bagong Compact Disc:
Watchtower Library—2006 Edition on CD-ROM