Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo simula Disyembre 31, 2007. Magdaraos ang tagapangasiwa ng paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Nobyembre 5 hanggang Disyembre 31, 2007.
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Anu-ano ang mga puntong kailangan nating tandaan upang maging mabisa ang ating konklusyon? [be p. 221 par. 1-4]
2. Paano tayo makatitiyak na tumpak ang sinasabi natin sa ministeryo sa larangan? [be p. 223 par. 2-4]
3. Sa ating mga presentasyon sa mga pulong sa kongregasyon, paano natin maipakikita ang mataas na pagtingin sa papel ng kongregasyon bilang “haligi at suhay ng katotohanan”? (1 Tim. 3:15) [be p. 224 par. 1-4]
4. Bakit mahalagang tiyakin na maaasahan ang ating impormasyon, at paano natin ito magagawa? [be p. 225 par. 1-2]
5. Kapag nagtuturo, paano natin gagawing mas madaling maunawaan ng iba ang ating materyal? [be p. 226 par. 3–p. 227 par. 1]
ATAS BLG. 1
6. Ano ang patotoo na tunay ang ulat ni Jonas? [si p. 153 par. 3]
7. Anong hula ni Mikas ang nauugnay sa pamamahala ng Kaharian ng Diyos sa ilalim ni Kristo Jesus? [si p. 158 par. 18]
8. Ano ang patotoo na ang aklat ni Habakuk ay kinasihan ng Diyos? [si p. 161 par. 4]
9. Bakit masasabi na pagsapit ng 520 B.C.E., hindi pa rin natutupad ng mga Judio ang layunin ng kanilang pagbabalik mula sa pagkakatapon? (Hag. 1:4) [si p. 166 par. 3]
10. Sa anong maluwalhating araw paulit-ulit na tumutukoy si Zacarias? [si p. 172 par. 26]
LINGGUHANG PAGBABASA NG BIBLIYA
11. Paano natupad noong unang siglo ang hula ni Joel tungkol sa pagsalakay ng mga insekto, at paano ito natutupad sa ngayon? (Joel 2:1-10, 28) [w07 10/1 “Ang Salita ni Jehova ay Buháy—Mga Tampok na Bahagi sa mga Aklat ng Joel at Amos”]
12. Ano ang ipinahihiwatig ng “isang basket ng bungang pantag-araw”? (Amos 8:1, 2) [w07 10/1 “Ang Salita ni Jehova ay Buháy—Mga Tampok na Bahagi sa mga Aklat ng Joel at Amos”]
13. Sa anong diwa ‘ikinalungkot ni Jehova ang kapahamakan na sinalita niya tungkol sa mga Ninevita,’ at ano ang dapat na maging epekto nito sa atin? (Jon. 3:10) [w03 7/15 p. 17-18]
14. Ano ang kahulugan ng paglakad sa pangalan ni Jehova? (Mik. 4:5) [w03 8/15 p. 17 par. 19]
15. Kailan at paano dumating sa kaniyang “templo” si Jehova upang humatol sa modernong panahon? (Mal. 3:1-3) [re p. 32 kahon; jd p. 179 par. 3–p. 181 par. 6]