Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Enero: Maaaring ialok ang alinmang 192-pahinang aklat na inilathala bago ang 1991. Kung walang suplay ng mga aklat na ito ang inyong kongregasyon, maaaring ialok ang aklat na Kaalaman (kung mayroon) o ang brosyur na Patuloy na Magbantay! Pebrero: Maaaring ialok ang aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? o ang Kaligayahan sa Pamilya. Marso: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Sikaping makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Abril at Mayo: Ang edisyong pampubliko ng Ang Bantayan at ang Gumising! Kapag dumadalaw-muli sa mga interesado, sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya gamit ang aklat na Itinuturo ng Bibliya.
◼ Yamang may limang Sabado at limang Linggo ang Marso, napakagandang buwan ito upang mag-auxiliary pioneer.
◼ Yamang ang Abril at Mayo ay pantanging mga buwan para sa pamamahagi ng magasin at marami ang mag-o-auxiliary pioneer sa mga buwang iyon, dapat umorder ang tagapangasiwa sa paglilingkod at ang lingkod sa magasin ng karagdagang mga magasin para sa kampanya. Pakisuyong ipadala ang inyong pantanging order nang hindi lalampas sa Pebrero 15, 2008. Kung gagawin ninyo ito, makatitiyak kayo na matatanggap ninyo ang karagdagang mga magasin na kasabay ng inyong regular na buwanang order. Sa pag-order, gamitin ang bagong M-202 Magazine Request Form na may petsang 6/07 sa ilalim ng uluhang “Specific Magazine Issues.”
◼ Dapat gumawa ng kaayusan ang mga kongregasyon para sa pagdiriwang ng Memoryal sa taóng ito sa Sabado, Marso 22, 2008, pagkalubog ng araw. Bagaman maaaring simulan nang mas maaga ang pahayag, ang pagpapasa ng emblema sa Memoryal ay hindi dapat magsimula hangga’t hindi pa lumulubog ang araw. Bagaman kanais-nais sana na bawat kongregasyon ay magdaos ng sariling pagdiriwang ng Memoryal, baka hindi ito laging posible. Kung higit sa isang kongregasyon ang karaniwang gumagamit sa isang Kingdom Hall, marahil ang isa o higit pang kongregasyon ay maaaring gumamit ng ibang pasilidad para sa gabing iyon. Kung posible, iminumungkahi namin na magkaroon ng di-kukulangin sa 40-minutong pagitan sa mga programa upang lubusang makinabang ang lahat sa okasyong ito.
◼ Ang espesyal na pahayag pangmadla para sa 2008 ay gaganapin sa linggo simula Marso 31, 2008, na nangangahulugang karamihan ng mga kongregasyon ay magdaraos nito sa Abril 6, 2008. Ang paksa ng pahayag ay “Sino ang Kuwalipikadong Mamahala sa Sangkatauhan?” Ang mga kongregasyon na dinadalaw ng tagapangasiwa ng sirkito o may asamblea sa dulo ng sanlinggong iyon ay magkakaroon ng espesyal na pahayag sa kasunod na linggo. Hindi dapat magkaroon ng espesyal na pahayag ang alinmang kongregasyon bago ang Marso 31.
◼ Simula sa Marso 2008, ang bagong pahayag pangmadla para sa mga tagapangasiwa ng sirkito ay “Saan Ka Makakakuha ng Tulong sa Panahon ng Kapighatian?” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon.
◼ Simula sa linggo ng Agosto 4, 2008, gagamitin ng mga kongregasyong nagsasalita ng Cebuano, Iloko, at Tagalog ang Mamuhay na Isinasaisip ang Araw ni Jehova sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat. Pag-aaralan naman ng mga kongregasyong nagsasalita ng Bicol, Hiligaynon, Pangasinan, at Samar-Leyte Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya sa petsa ring iyon.