Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Mayo: Ang edisyong pampubliko ng Ang Bantayan kasama ang Gumising! Kapag dumadalaw-muli sa mga interesado, sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya gamit ang aklat na Itinuturo ng Bibliya. Hunyo: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Sikaping makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Hulyo at Agosto: Maaaring ialok ang alinman sa mga brosyur.
◼ Sa susunod na ilang buwan ay ipadadala namin ang mga form na kakailanganin ninyo sa kongregasyon sa darating na taon. Kung kailangan pa ninyo ng iba pang mga form, maaaring umorder ng mga ito sa karaniwang paraan gamit ang Literature Request Form (S-14). Ang mga form ay ipinadadala nang walang bayad, ngunit walang-alinlangang nagnanais ang mga kongregasyon na magbigay ng makatuwirang kontribusyon para sa pambuong-daigdig na gawain upang tumulong sa mga gastusin sa pag-iimprenta at pagpapadala. Pakisuyong pansinin na ang mga badge card para sa 2008 Pandistritong Kombensiyon ay isasama sa ipadadalang mga form, kaya hindi na kailangan pang umorder ng mga ito malibang kulang ang ipinadala sa inyo. Gayunman, kung kailangan ninyo ng plastik na lalagyan ng badge card, dapat kayong umorder nito gamit ang regular na S-14 form.
◼ Dapat repasuhin ng lupon ng matatanda ang liham na may petsang Hulyo 6, 2006 tungkol sa pagiging handa kapag may sakuna at dapat nilang tiyakin na pinakabago ang impormasyon para makontak ang bawat mamamahayag. Sa mga lugar na madalas tamaan ng sakuna, dapat kumuha ng impormasyon tungkol sa isa pang indibiduwal na maaaring makontak kapag may emergency. Siyempre pa, bukod sa mga emergency, makatutulong kung ipaaalam ng mga mamamahayag sa kanilang tagapangasiwa sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat o iba pang elder na matagal silang mawawala sa kongregasyon, tulad halimbawa kapag naglakbay para magbakasyon o dahil sa trabaho, nagpaospital, at iba pa.
◼ Upang matiyak ang seguridad ng Kingdom Hall, dapat ikandado ng pinakahuling lalabas sa bulwagan ang pinto at dapat niyang gawin ang iba pang mga hakbang na panseguridad. Kung hindi niya kayang isara ang bulwagan, dapat siyang tumawag ng isa na makagagawa nito at pagkatapos ay hintayin niya ang isang iyon bago siya umalis. Dapat magkaroon ang mga elder ng pinakabagong talaan ng responsableng mga mamamahayag na binigyan ng mga susi ng Kingdom Hall.
◼ Makukuhang Bagong MP3:
Bible Drama—Ingles (Nasa isang disc ang 14 na drama sa audio na dating nakarekord nang magkakahiwalay sa mga audiocassette at CD.