Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Enero: Ialok ang lumang mga aklat na nasa stock ng kongregasyon, gaya ng Kaalaman, Mabuhay Magpakailanman, o Nagkakaisa sa Pagsamba. Pebrero: Ialok ang alinman sa sumusunod kung makukuha ito sa inyong kongregasyon, Is There a Creator Who Cares About You?, Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya, o Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? Marso: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Abril at Mayo: Magasing Bantayan at Gumising!
◼ Dapat gumawa ng kaayusan ang mga kongregasyon para sa pagdiriwang ng Memoryal sa taóng ito sa Huwebes, Abril 9, 2009, pagkalubog ng araw. Bagaman maaaring gusto ng bawat kongregasyon na magdaos ng kanilang sariling pagdiriwang ng Memoryal, maaaring hindi ito laging posible. Kung higit sa isang kongregasyon ang karaniwang gumagamit sa isang Kingdom Hall, marahil ang isa o higit pang kongregasyon ay maaaring gumamit ng ibang pasilidad sa gabing iyon.
◼ Ang espesyal na pahayag pangmadla para sa taóng ito ay gaganapin sa linggo ng Abril 20, 2009, na nangangahulugang karamihan ng mga kongregasyon ay magdaraos nito sa Abril 26, 2009. Ang paksa ng pahayag ay “Iisa Lang ba ang Tunay na Relihiyon Ayon sa Pangmalas ng Diyos?” Ang mga kongregasyon na may dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito o asamblea sa dulo ng sanlinggong iyon ay magdaraos ng espesyal na pahayag sa kasunod na linggo. Ang mga kongregasyon ay hindi dapat magdaos ng espesyal na pahayag bago ang Abril 20.
◼ Simula sa Marso 2009, ang bagong pahayag pangmadla ng mga tagapangasiwa ng sirkito ay “Tanggihan ang mga Ilusyon ng Sanlibutan, Itaguyod ang mga Katotohanan ng Kaharian.”