Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo.
1. Ano ang matututuhan natin sa pagbabawal na mababasa sa Exodo 23:19? [w06 4/1 p. 31 par. 1-5]
2. Ano ang Urim at ang Tumim? Paano ginamit ang mga ito sa sinaunang Israel? (Ex. 28:30) [w06 1/15 p. 18; w01 9/1 p. 27]
3. Paano nagsalita “nang mukhaan” si Jehova kay Moises? (Ex. 33:11, 20) [w04 3/15 p. 27]
4. Anong mga aral ang matututuhan natin mula sa mga Israelita na nagbigay ng mga materyales sa pagtatayo ng tabernakulo at gumamit ng kanilang mga kasanayan para dito? (Ex. 35:5, 10) [w99 11/1 p. 31 par. 1-2]
5. Ano ang inilalarawan sa dakilang espirituwal na templo ng Diyos ng pantabing na binanggit sa Exodo 40:28? [w00 1/15 p. 15 par. 7-8]
6. Sa anong aspekto nagkakatulad ang paghahain ng “handog na sinusunog” at ang paghahain ni Jesus ng kaniyang buhay? (Lev. 1:13) [w04 5/15 p. 21 par. 3]
7. Ano ang idiniriin sa atin ng mga pananalitang “ang lahat ng taba ay kay Jehova”? (Lev. 3:16, 17) [w04 5/15 p. 22 par. 2]
8. Ano ang ipinahihiwatig ng paglalagay ng dugo ng barakong tupa ng pagtatalaga sa kanang tainga, kanang kamay, at kanang paa ni Aaron at ng kaniyang mga anak? (Lev. 8:23, 24) [it-2-E p. 1113 par. 4]
9. Ano ang makukuha nating punto mula sa Levitico 12:8 may kaugnayan sa pagpapalaki kay Jesus? Ano ang matututuhan natin mula rito? [w98 12/15 p. 6 par. 5]
10. Paano inilarawan sa taunang Araw ng Pagbabayad-Sala sa Israel ang pagkakapit ng haing pantubos ni Jesus? (Lev. 16:11-16) [w98 2/15 p. 12 par. 2]