Mga Patalastas
◼ Alok sa Agosto: Alinman sa mga brosyur na nasa inyong stock; pero makabubuti kung iaalok ang brosyur na Hinihiling yamang maaari itong gamitin sa pagpapasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Setyembre: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Oktubre: Ang Bantayan at Gumising! Kapag nagpakita ng interes, gamitin ang tract na Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan? para makapagsimula ng pag-aaral sa Bibliya. Nobyembre: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
◼ Ang bawat kongregasyon ay tatanggap ng dalawang kopya ng Congregation Analysis Report (S-10) kasama ng inyong monthly statement. Ito ay maingat na pupunan ng kalihim ng kongregasyon at pagkatapos ay titiyakin ng komite sa paglilingkod na wasto itong napunan. Ililista sa likod ng form ang pangalan ng mga regular pioneer pati ang kanilang kabuuang oras para sa taon ng paglilingkod. Ang orihinal na kopya ay dapat ipadala sa tanggapang pansangay nang di-lalampas sa Setyembre 6, 2009. Ang isa pang kopya ay dapat i-file.
◼ Dapat nang ipadala ngayon sa tanggapang pansangay ang mga order para sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2010 at 2010 Calendar. Magpapadala kami ng special order blank para sa mga ito kasama ng monthly statement. Dapat itong ipadala sa tanggapang pansangay nang di-lalampas sa Agosto 15, 2009.
◼ Simula sa Setyembre, ang pamagat ng magiging pahayag pangmadla ng mga tagapangasiwa ng sirkito ay “Ang Pagkabuhay-Muli—Kung Bakit Dapat Maging Totoo sa Iyo ang Pag-asang Iyan.”