Mga Patalastas
◼ Alok sa Nobyembre: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Kung mayroon na nito ang may-bahay, puwedeng ialok ang anumang aklat na may 192 pahina na inilathala bago 1995. Disyembre: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman. Kung may anak ang may-bahay, ialok ang Matuto Mula sa Dakilang Guro. Enero: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Kung mayroon na nito ang may-bahay, puwedeng ialok ang anumang aklat na may 192 pahina na inilathala bago 1995. Pebrero: Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya o Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?
◼ Dapat ipamahagi kaagad sa mga mamamahayag ang pinakabagong isyu ng Ang Bantayan at Gumising! pagkatanggap sa mga ito. Sa gayon, mapag-aaralan nila ito agad at magiging pamilyar sila sa nilalaman nito bago ialok sa larangan.
◼ Kung may gustong magbigay ng donasyon para sa pambuong-daigdig na gawain sa pamamagitan ng tseke, dapat itong ipangalan sa “Watch Tower.” Maaari itong ipadala sa tanggapang pansangay o ibigay kapag may pandistritong kombensiyon.
◼ Hinihimok ang lahat ng mamamahayag na punan at kumpletuhin ang kanilang durable power of attorney (DPA) card, kung hindi pa nila ito nagagawa. Sa pamamagitan ng iyong DPA card, protektado ang iyong karapatang tumanggi sa pagsasalin ng dugo. Tutulungan kayo ng mga elder kung kinakailangan.—Tingnan ang insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Enero 2007.