Mga Patalastas
◼ Alok sa Enero: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Kung mayroon na nito ang may-bahay, puwedeng ialok ang anumang aklat na may 192 pahina na inilathala bago 1995. Pebrero: Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya o Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? Marso: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Abril at Mayo: Bantayan at Gumising! Kapag dumadalaw-muli sa mga interesado o sa mga dumalo sa Memoryal, ialok ang aklat na Itinuturo ng Bibliya at sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya.
◼ Ang Memoryal sa taóng ito ay gaganapin sa araw ng Martes, Marso 30, 2010, pagkalubog ng araw. Bagaman maaaring simulan nang mas maaga ang pahayag, ang pagpapasa ng emblema sa Memoryal ay hindi dapat magsimula hangga’t hindi pa lumulubog ang araw. Magpapadala ng mga inimprentang imbitasyon sa bawat kongregasyon para maanyayahan sa espesyal na okasyong ito ang lahat sa inyong teritoryo.
◼ Ang espesyal na pahayag pangmadla para sa taóng ito ay gaganapin sa linggo ng Abril 12, 2010, kaya karamihan sa mga kongregasyon ay magdaraos nito sa araw ng Linggo, Abril 18, 2010. Ang paksa ng pahayag ay “Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan—Kailan?” Ang mga kongregasyon na may dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito o asamblea sa dulo ng sanlinggong iyon ay magdaraos ng espesyal na pahayag sa kasunod na linggo. Ang mga kongregasyon ay hindi dapat magdaos ng espesyal na pahayag bago ang Abril 12.
◼ Simula Marso 2010, ang bagong pahayag pangmadla ng mga tagapangasiwa ng sirkito ay “Ano ang Ginagawa sa Ngayon ng Kaharian Para sa Atin?”