Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Pebrero: Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya o Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? Marso: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Abril at Mayo: Ang Bantayan at Gumising! Kapag dumadalaw-muli sa mga interesado o sa mga dumalo sa Memoryal, ialok ang aklat na Itinuturo ng Bibliya at sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya.
◼ Dapat suriin ng kalihim at ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang gawain ng mga regular pioneer sa katapusan ng Pebrero. Kung nahihirapan ang sinuman na abutin ang kahilingang oras, dapat gumawa ng kaayusan ang mga elder para matulungan ang mga payunir na abutin ang taunang kahilingan pagsapit ng Agosto 31, 2010.
◼ Sa Linggo, Pebrero 14, 2010, pagkatapos ng Pag-aaral sa Bantayan, magkakaroon ng maikling pulong ang lahat ng nagpaplanong mag-auxiliary pioneer sa mga buwan ng Marso, Abril, at Mayo. Pangangasiwaan ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang pulong na ito. Titiyakin niyang may sapat na application form para sa pag-o-auxiliary pioneer na ipamamahagi sa lahat ng dadalo sa pulong na ito.