Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Abril 26, 2010. Magdaraos ang tagapangasiwa ng paaralan ng 20-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Marso 1 hanggang Abril 26, 2010.
1. Ano ang ibig sabihin ni Noemi nang sabihin niyang “si Jehova ang humamak sa akin at ang Makapangyarihan-sa-lahat ang nagpangyari ng kapahamakan ko”? (Ruth 1:21) [w05 3/1 p. 27 par. 2]
2. Bakit itinuring si Ruth na “isang mahusay na babae”? (Ruth 3:11) [w05 3/1 p. 28 par. 6]
3. Paano napatibay ni Elkana ang kaniyang asawa sa pagsasabing “hindi ba mas mabuti ako sa iyo kaysa sa sampung anak”? (1 Sam. 1:8) [w90 3/15 p. 27 par. 4-5]
4. Bakit mali ang paghiling ng Israel ng isang hari? (1 Sam. 8:5) [w05 9/15 p. 20 par. 17; it-2-E p. 163 par. 1]
5. Paano pinatunayan ng “matanda na at ubanin” nang si Samuel na halimbawa siya sa pananalangin alang-alang sa iba? Ano ang itinatampok nito sa atin? (1 Sam. 12:2, 23) [w07 6/1 p. 29 par. 14-15]
6. Bakit nagpakita si Saul ng pantanging konsiderasyon sa mga Kenita? (1 Sam. 15:6) [w05 3/15 p. 22 par. 10]
7. Bakit tinanong ni Saul si David, “Kanino kang anak, bata?” (1 Sam. 17:58) [w07 8/1 p. 31 par. 3, 5]
8. Ano ang matututuhan natin sa paraan ng paglutas ni David sa kaniyang malaking problema sa Gat? (1 Sam. 21:12, 13) [w05 3/15 p. 24 par. 5]
9. Paano naipakita ni Jonatan ang pag-ibig at kapakumbabaan nang kinailangan ng kaniyang kaibigang si David ang suporta at pampatibay-loob? (1 Sam. 23:17) [lv p. 30 par. 10, tlb.]
10. Ano ang matututuhan natin sa pagsangguni ni Saul sa espiritista sa En-dor? (1 Sam. 28:8-19) [w05 3/15 p. 24 par. 8]