Mga Patalastas
◼ Alok sa Mayo: Ang Bantayan at Gumising! Kapag dumadalaw-muli sa mga dumalo sa Memoryal, magtuon ng pansin sa pagpapasakamay ng aklat na Itinuturo ng Bibliya. Ang tunguhin ay makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Hunyo: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Hulyo at Agosto: Alinman sa mga brosyur.
◼ Sa darating na mga buwan, magpapadala kami ng mga form na kakailanganin ninyo sa susunod na taon. Kung kailangan ninyo ng iba pang mga form, maaari itong iorder gamit ang Literature Request Form (S-14). Pakisuyong pansinin na ang mga badge card para sa 2010 Pandistritong Kombensiyon ay isasama na sa mga form, kaya hindi na ito kailangang iorder malibang kulang ang ipinadala. Pero dapat iorder ang mga plastik na badge holder kung kailangan ninyo.
◼ Kailangang magkaroon ang tanggapang pansangay ng pinakabagong rekord ng mga adres at numero ng telepono ng lahat ng koordineytor ng lupon ng matatanda at kalihim. Kung may anumang pagbabago, dapat punan, pirmahan, at ipadala kaagad ng Komite sa Paglilingkod ng Kongregasyon ang Change of Address (S-29) form sa tanggapang pansangay.
◼ Bagong mga Compact Disc:
Sing to Jehovah—Vocal—On CD, Disc 1 (awit ng koro sa 17 sa mga bagong awit)—Ingles
Watchtower Library—2009—Tsino, Tagalog