Mga Patalastas
◼ Alok sa Hunyo: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Hulyo at Agosto: Alinman sa mga brosyur. Kung may stock pa ang kongregasyon ng brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?, dapat itong ialok. Setyembre: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya sa unang pagdalaw.
◼ Dapat i-audit ng inatasan ng koordineytor ng lupon ng matatanda ang kuwenta ng kongregasyon para sa mga buwan ng Marso, Abril, at Mayo.—Tingnan ang Instructions for Congregation Accounting (S-27).
◼ Ang mga video na The Bible—Its Power in Your Life at The Bible—Accurate History, Reliable Prophecy ay tatalakayin sa Pulong sa Paglilingkod simula sa Setyembre. Kung wala pa kayong DVD na The Bible—A Book of Fact and Prophecy na naglalaman ng mga programang ito, dapat itong iorder agad sa kongregasyon.
◼ Kung plano ninyong dumalo ng mga pulong sa kongregasyon, asamblea, o kombensiyon sa ibang lupain, ang inyong kahilingan para sa impormasyon may kaugnayan sa mga petsa, oras, at lugar ay dapat ipadala sa tanggapang pansangay na nangangasiwa ng gawain sa lupaing iyon. Ang adres ng mga tanggapang pansangay ay nakalista sa huling pahina ng pinakabagong Taunang Aklat.