Mga Patalastas
◼ Alok sa Hulyo at Agosto: Alinman sa mga brosyur. Kung may stock pa ang kongregasyon ng brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?, dapat itong ialok. Setyembre: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya sa unang pagdalaw. Oktubre: Bantayan at Gumising! Kapag nagpakita ng interes, gamitin ang tract na Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan? at sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya.
◼ Kung plano ninyong dumalo ng mga pulong, asamblea, o pandistritong kombensiyon sa ibang lupain, ang inyong kahilingan para sa impormasyon may kaugnayan sa petsa, oras, at mga lugar ay dapat ipadala sa tanggapang pansangay na nangangasiwa ng gawain sa lupaing iyon. Ang mga adres ng mga tanggapang pansangay ay nakalista sa huling pahina ng pinakabagong Taunang Aklat.