Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Oktubre 25, 2010. Magdaraos ang tagapangasiwa ng paaralan ng 20-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Setyembre 6 hanggang Oktubre 25, 2010.
1. Anong aral ang matututuhan natin kung susuriin ang buhay ni Haring Azarias (Uzias)? (2 Hari 15:1-6) [w91 7/15 p. 29-30]
2. Yamang ang Judeanong haring si Jotam ay sinasabing namahala sa loob lamang ng 16 na taon, bakit may tinutukoy sa 2 Hari 15:30 na “ikadalawampung taon” ng kaniyang paghahari? (2 Cro. 27:7, 8) [it-2-E p. 119 par. 5]
3. Sino ang “mga Samaritano” na binabanggit sa 2 Hari 17:29? [it-2-E p. 847 par. 7]
4. Bakit sinasabing “inanyuan” ni Jehova ang kaniyang layunin? (2 Hari 19:25) [w99 8/15 p. 14 par. 3]
5. Paano eksaktong inilalarawan ng 2 Hari 25:8, 25, 26 ang pasimula ng katuparan ng pitumpung-taóng pagkatiwangwang ng Jerusalem? [it-1-E p. 415 par. 6–p. 416 par. 1-2; p. 463 par. 4]
6. Bakit iniulat sa 1 Samuel 16:10, 11 si David bilang ikawalong anak ni Jesse, samantalang iniulat siya ni Ezra bilang ikapito? (1 Cro. 2:15) [w02 9/15 p. 31]
7. Paano natin matutularan ang halimbawa ng sinaunang mga Gileadita? (1 Cro. 5:10, 18-22) [w05 10/1 p. 9 par. 7]
8. Anong aral ang matututuhan mula sa mga Levitang bantay ng pintuang-daan? (1 Cro. 9:26, 27) [w05 10/1 p. 9 par. 8]
9. Gaano kahalaga ang pag-awit sa sinaunang Israel? (1 Cro. 9:33) [it-2-E p. 452 par. 9]
10. Ano ang mali sa reaksiyon ni David na inilarawan sa 1 Cronica 13:11? [w05 10/1 p. 11]