Mga Patalastas
◼ Alok sa Enero: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Kung mayroon na nito ang may-bahay, puwedeng ialok ang anumang aklat na may 192 pahina na inilathala bago 1995. Pebrero: Maaaring ialok ng mga mamamahayag ang aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya o Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? Marso: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Abril at Mayo: Bantayan at Gumising!
◼ Ang Memoryal ay gaganapin sa Linggo, Abril 17, 2011, pagkalubog ng araw. Ang mga pulong na karaniwang idinaraos kapag Linggo ay dapat idaos sa ibang araw para Memoryal lamang ang pulong na idaraos sa Abril 17 maliban sa mga pagtitipon para sa paglilingkod sa larangan. Dapat i-adjust ng mga tagapangasiwa ng sirkito ang kanilang iskedyul sa linggong iyon ayon sa lokal na mga kalagayan. Magpapadala ng mga inimprentang imbitasyon sa bawat kongregasyon para maanyayahan sa espesyal na okasyong ito ang lahat sa inyong teritoryo.
◼ Ang espesyal na pahayag pangmadla para sa taóng ito ay gaganapin sa linggo ng Abril 25, 2011, kaya karamihan sa mga kongregasyon ay magdaraos nito sa araw ng Linggo, Mayo 1, 2011. Ang paksa ng pahayag ay “Mga Simulain sa Bibliya—Matutulungan ba Tayo Nito na Harapin ang mga Problema Ngayon?” Ang mga kongregasyon na may dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito o asamblea sa dulo ng sanlinggong iyon ay magdaraos ng espesyal na pahayag sa kasunod na linggo. Ang mga kongregasyon ay hindi dapat magdaos ng espesyal na pahayag bago ang Abril 25.
◼ Pasimula sa Marso, ang bagong pahayag pangmadla ng mga tagapangasiwa ng sirkito ay may pamagat na “Paano Naaapektuhan ng Katotohanan ang Buhay Mo?”