Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Pebrero 28, 2011. Magdaraos ang tagapangasiwa ng paaralan ng 20-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Enero 3 hanggang Pebrero 28, 2011.
1. Anong gawain ang pinasimulan ni Hezekias nang magsimula siyang maghari, at paano natin siya matutularan? (2 Cro. 29:16-18) [w09 6/15 p. 9 par. 13]
2. Paano itinampok ng 2 Cronica 36:21 ang katuparan ng hulang nakaulat sa Jeremias 25:8-11? [w06 11/15 p. 32 par. 1-4]
3. Paano sinusuportahan ng Ezra 3:1-6 ang maka-Kasulatang ebidensiya na natapos sa eksaktong panahon ang 70-taóng pagkatiwangwang ng Jerusalem? [w06 1/15 p. 19 par. 2]
4. Bakit nagitla si Ezra nang malaman niyang nakikipag-asawa ang mga Israelita sa mga tao ng lupain? (Ezra 9:1-3) [w06 1/15 p. 20 par. 1]
5. Sino ang “mga taong mariringal,” at anong saloobin nila ang dapat nating iwasan? (Neh. 3:5) [w06 2/1 p. 10 par. 1; w86 2/15 p. 25]
6. Bakit mahusay na halimbawa si Gobernador Nehemias para sa mga Kristiyanong tagapangasiwa? (Neh. 5:14-19) [si p. 90 par. 16]
7. Gaya ng mga Israelita noong panahon ni Nehemias, paano natin maiiwasang mapabayaan ang ‘bahay ng ating Diyos’? (Neh. 10:32-39) [w98 10/15 p. 21-22 par. 12]
8. Ang pagbubulay-bulay sa landasin ng buhay ni Nehemias ay mag-uudyok sa atin na isaalang-alang ang anong mga tanong? (Neh. 13:31) [w96 9/15 p. 17 par. 3]
9. Si Esther ba ay nagkaroon ng imoral na pakikipagtalik kay Haring Ahasuero? (Es. 2:14-17) [w06 3/1 p. 9 par. 3; w91 1/1 p. 31 par. 6]
10. Bakit hindi yumukod si Mardokeo kay Haman? (Es. 3:2, 4) [it-2-E p. 431 par. 7]