Mga Patalastas
◼ Alok sa Marso: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Abril at Mayo: Bantayan at Gumising! Hunyo: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
◼ Kapag nagpapatotoo sa mga nagsasalita ng Chinese, ipakita ang mga pahina sa buklet na Nations kung saan makikita ang Chinese (Traditional) (CH) at Chinese (Simplified) (CHS), para malaman kung ano ang mas gusto niyang basahin. Kung tungkol sa mga publikasyong nasa audio o video, makukuha ito sa Mandarin (CHM) at Cantonese (CHC). Karaniwan nang naiintindihan ng mga taga-Hong Kong ang wikang Cantonese.
◼ Dapat na i-audit ng isang inatasan ng koordineytor ng lupon ng matatanda ang kuwenta ng kongregasyon sa mga buwan ng Disyembre, Enero, at Pebrero.
◼ Iskedyul ng Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya: Simula sa buwang ito, pag-aaralan ng mga kongregasyon sa wikang Cebuano, Chinese, English, Hiligaynon, Iloko, Korean, at Tagalog ang aklat na ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’ (bt) sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya. Pag-aaralan ng mga kongregasyon sa wikang Bicol, Pangasinan, at Waray-Waray ang aklat na Maging Malapít kay Jehova (cl).