Mga Patalastas
◼ Alok sa Abril at Mayo: Bantayan at Gumising! Hunyo: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Hulyo at Agosto: Alinman sa mga brosyur. Pero kung posible, mas mabuting ialok ang bagong brosyur na Saan Nagmula ang Buhay? at The Origin of Life.
◼ Simula sa Mayo, dapat gamitin ng lahat ng kongregasyon ang unang Sabado ng bawat buwan sa pagpapasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Ang serye sa Bantayan na “Matuto Mula sa Salita ng Diyos” ay dinisenyo para tulungan ang mga mamamahayag na magawa ito. Magkakaroon ng sampol na mga presentasyon sa huling pahina ng bawat isyu ng Ating Ministeryo sa Kaharian na magagamit sa kasunod na buwan, pati na ng mungkahing presentasyon sa pagpapasimula ng pag-aaral sa Bibliya sa unang Sabado.
◼ Ang video na Jehovah’s Witnesses—Organized to Share the Good News ay tatalakayin sa Pulong sa Paglilingkod sa Agosto. Kung kailangan ng kopya, dapat umorder sa pamamagitan ng kongregasyon para may magamit sa Agosto.
◼ Maaari nang umorder sa tanggapang pansangay ng 2010 tomo ng Bantayan at Gumising! Alalahanin na ang mga ito ay special request item na dapat lamang iorder kung may mamamahayag na humihiling nito.
◼ Makukuhang Bagong mga Publikasyon:
The Pathway to Peace and Happiness—Chinese (traditional), Chinese (simplified), English (brosyur para sa mga Budista)
Tunay na Pananampalataya—Ang Susi Mo sa Maligayang Buhay—Cebuano, English, Tagalog (brosyur para sa mga Muslim)