Mga Patalastas
◼ Alok sa Hunyo: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Sikaping makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya sa unang pagdalaw. Kapag may aklat na ang may-bahay, maaaring ialok ang mga aklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan at Sambahin ang Tanging Tunay na Diyos, kung may stock pa nito ang kongregasyon. Kung wala naman, ialok ang anumang lumang publikasyong nasa stock ng kongregasyon. Hulyo at Agosto: Alinman sa mga brosyur. Pero kung posible, mas mabuting ialok ang bagong brosyur na Saan Nagmula ang Buhay at The Origin of Life. Setyembre: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
◼ Dapat i-audit ng isang inatasan ng koordineytor ng lupon ng matatanda ang account ng kongregasyon para sa mga buwan ng Marso, Abril, at Mayo.—Tingnan ang Instructions for Congregation Accounting (S-27).
◼ Kung plano ninyong dumalo sa mga pulong ng kongregasyon, asamblea, o kombensiyon sa ibang bansa, ang inyong kahilingan para sa impormasyon may kaugnayan sa mga petsa, oras, at lugar ay dapat ipadala sa tanggapang pansangay na nangangasiwa ng gawain sa bansang iyon. Ang adres ng mga tanggapang pansangay ay nakalista sa huling pahina ng pinakabagong Taunang Aklat.
◼ Mga Bagong Publikasyon na Makukuha:
Insight on the Scriptures, Tomo 1 & 2—Iloko at Tagalog (Pakisuyong gamitin ang S-14 form sa pag-order.)