Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Agosto 29, 2011.
1. Paanong ang maibiging-kabaitan ng Diyos ay “mas mabuti kaysa sa buhay”? (Awit 63:3) [w01 10/15 p. 15 par. 17]
2. Ano ang ipinahihiwatig ng Awit 70 tungkol kay David? [w08 9/15 p. 4 par. 4]
3. Laban sa ano nagbababala ang Awit 75:5? [w06 7/15 p. 11 par. 2]
4. Kailan natin lalo nang maaasahan na pakikinggan ni Jehova ang ating mga panalangin? (Awit 79:9) [w06 7/15 p. 12 par. 5]
5. Ano ang “mga nakatagong bagay” na binabanggit sa Awit 90:7, 8? [w01 11/15 p. 12-13 par. 14-16]
6. Anong mahalagang pananagutan ang ibinigay sa mga may-edad na sa kongregasyon ayon sa Awit 92:12-15? [w04 5/15 p. 13-14 par. 14-18]
7. Nang isulat ng salmista ang Awit 102:25-27, sinasalungat ba niya ang walang-hanggang layunin ng Diyos para sa lupa? (Gen. 1:28) [w08 4/1 p. 12 par. 1]
8. Ano ang matututuhan natin hinggil sa hindi paggamit ng kaunawaan na itinatawag-pansin ng Awit 106:7? [w95 9/1 p. 19 par. 4–p. 20 par. 2]
9. Ayon sa Awit 110:1, 4, ano ang isinumpa ni Jehova tungkol sa ipinangakong Binhi, o Mesiyas, at paano nito pagpapalain ang lahat ng tao? [cl p. 194 par. 13]
10. Ano ang naging epekto sa salmista ng pagbubulay-bulay niya sa kaniyang paglilingkod sa Diyos? (Awit 116:12, 14) [w09 7/15 p. 29 par. 4-5]