Pagsulong sa Paglilingkod sa Larangan
Nakatutuwang makita ang pagtugon sa panawagang mag-auxiliary pioneer noong Abril! May kabuuang 44,351 ang nakibahagi sa pantanging gawaing ito—mahigit 30% ng mga mamamahayag sa kongregasyon! Kaya mahigit 4 na milyong oras ang nagugol sa paglilingkod sa larangan at 194,916 ang mga pag-aaral sa Bibliya. Isa nga itong malakas na sigaw ng papuri kay Jehova!