Mga Patalastas
◼ Alok sa Setyembre: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Oktubre: Ang Bantayan at Gumising! Kapag nagpakita ng interes, ialok ang tract na Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan? at sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Nobyembre: Ang Bibliya—Ano ang Mensahe Nito? o alinmang brosyur na nasa stock ng kongregasyon. Disyembre: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman. Kung may maliit na anak ang may-bahay, ialok ang Matuto Mula sa Dakilang Guro o Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya.
◼ Tatalakayin sa susunod na mga Pulong sa Paglilingkod ang dalawang video na Mga Saksi ni Jehova—Buháy ang Pananampalataya, Bahagi 1: Mula sa Kadiliman Tungo sa Liwanag at The Wonders of Creation Reveal God’s Glory. Kung kinakailangan, dapat umorder agad sa pamamagitan ng kongregasyon.
◼ Dapat i-audit ng inatasan ng koordineytor ng lupon ng matatanda ang accounts ng kongregasyon para sa mga buwan ng Hunyo, Hulyo, at Agosto.—Tingnan ang Instructions for Congregation Accounting (S-27).
◼ Ang espesyal na pahayag pangmadla sa panahon ng Memoryal sa 2012 ay gaganapin sa linggo ng Abril 2. Saka na ipatatalastas ang paksa. Hindi ito dapat idaos bago ang Memoryal.
◼ Ang mga mag-o-auxiliary pioneer sa Marso 2012 ay maaaring umabot ng kahilingang 30 o 50 oras. Bukod diyan, kung dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito sa Marso, lahat ng auxiliary pioneer, 30 o 50 oras man ang inaabot, ay inaanyayahang dumalo sa buong miting ng tagapangasiwa ng sirkito sa mga regular pioneer.