Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Pebrero 27, 2012. Isinama na rito ang petsa kung kailan tatalakayin sa paaralan ang bawat punto upang magamit sa pagsasaliksik kapag naghahanda bawat linggo.
1. Wasto bang sabihin na binabantuan ng awa ni Jehova ang kaniyang katarungan? (Isa. 30:18) [Ene. 9, w02 3/1 p. 30]
2. Ano ang matututuhan natin sa pagkakatanggal kay Sebna bilang katiwala ni Hezekias? (Isa. 36:2, 3, 22) [Ene. 16, w07 1/15 p. 8 par. 6]
3. Ano ang matututuhan natin mula sa ulat ng Isaias 37:1, 14-20 kapag tayo ay napipighati? [Ene. 16, w07 1/15 p. 9 par. 1-2]
4. Paano napatitibay ang mga lingkod ni Jehova ng ilustrasyon sa Isaias 40:31? [Ene. 23, w96 6/15 p. 10-11]
5. Sa anong nagbabantang pagsalakay tayo pinatitibay ng mga salita ni Jehova sa Isaias 41:14? [Ene. 23, ip-2 p. 24 par. 16]
6. Paano natin ipinakikita kay Jehova na tayo ay “nagtataguyod ng katuwiran”? (Isa. 51:1) [Peb. 6, ip-2 p. 165 par. 2]
7. Sino ang tinutukoy na “marami” sa Isaias 53:12, at anong nakapagpapasiglang aral ang matututuhan natin hinggil sa pakikitungo ni Jehova sa kanila? [Peb. 13, ip-2 p. 213 par. 34]
8. Ano ang nararanasan ng bayan ni Jehova sa mga huling araw na makasagisag na inilalarawan sa Isaias 60:17? [Peb. 20, ip-2 p. 316 par. 22]
9. Ano ang kahulugan ng “taon ng kabutihang-loob” na iniatas na ipangaral ni Jesus at ng kaniyang mga tagasunod? (Isa. 61:2) [Peb. 20, ip-2 p. 324-325 par. 7-8]
10. Anong kahanga-hangang katangian ni Jehova ang itinatampok sa Isaias 63:9? [Peb. 27, w03 7/1 p. 19 par. 22-23]