Mga Patalastas
◼ Alok sa Pebrero: Alinman sa mga sumusunod: Is There a Creator Who Cares About You?, Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya, Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? Marso: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Abril at Mayo: Bantayan at Gumising!
◼ Sa Linggo, Pebrero 19, 2012, pagkatapos ng Pag-aaral sa Bantayan, magkakaroon ng maikling miting para sa lahat ng nagpaplanong mag-auxiliary pioneer sa Marso kung kailan may mapagpipiliang 30 o 50 oras na kahilingan. Pangangasiwaan ito ng tagapangasiwa sa paglilingkod, at titiyakin niyang may sapat na maipamamahaging application form.
◼ Kung pinaplano ninyong maglakbay sa isang lupaing hindi nakatala sa kasalukuyang ulat ng taon ng paglilingkod o sa adres sa huling pahina ng pinakabagong Taunang Aklat, pakisuyong makipag-ugnayan sa tanggapang pansangay para alamin kung anu-anong pag-iingat ang kailangang gawin o tagubilin ang kailangang sundin. Posibleng may paghihigpit sa ating gawain sa lugar na iyon. (Mat. 10:16) Sa ilang lupain, baka hindi makabubuting makipag-ugnayan sa lokal na mga Saksi o kongregasyon. Ang tanggapang pansangay ay maaaring magbigay ng iba pang tagubilin hinggil sa di-pormal na pagpapatotoo o pagdadala ng literatura. Ang inyong kooperasyon ay makatutulong para maiwasan ang di-kinakailangang mga problema, lalo na sa gawaing pang-Kaharian.—1 Cor. 14:33, 40.