Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Hunyo 25, 2012. Isinama na rito ang petsa kung kailan tatalakayin sa paaralan ang bawat punto upang magamit sa pagsasaliksik kapag naghahanda bawat linggo.
1. Ano ang matututuhan natin nang maligtasan ni Jeremias ang panahon ng matinding krisis sa kabuhayan? (Jer. 37:21) [Mayo 7, w97 9/15 p. 3 par. 4–p. 4 par. 1]
2. Paano matutularan ng mga Kristiyanong may makalupang pag-asa ang mainam na halimbawa ni Ebed-melec? (Jer. 38:8-13) [Mayo 7, su-E p. 179 par. 9]
3. Yamang ginamit ni Jehova ang mga tagapagbantay ni Nabucodorosor para protektahan sina Jeremias at Baruc, wasto ba para sa mga Kristiyano ngayon na humingi ng proteksiyon sa mga armadong pulis? (Jer. 39:11-14) [Mayo 14, w84 1/15 p. 30 (w83-E 7/15 p. 31)]
4. Anong “mga dakilang bagay” ang malamang na hinanap ni Baruc para sa kaniyang sarili, at saan tayo tinutulungang magtuon ng pansin ng pagtugon niya sa payo ni Jehova? (Jer. 45:5) [Mayo 21, w06 8/15 p. 18 par. 1; p. 19 par. 6]
5. Sa paglalarawan sa makatuwirang kagantihan na darating sa Edom, paano ipinakita ni Jehova ang pagkakaiba niya sa “mga tagapitas ng ubas” at sa “mga magnanakaw”? (Jer. 49:9, 10) [Mayo 28, w77-E p. 442 par. 7–p. 443 par. 1]
6. Anong mahahalagang aral ang matututuhan sa nangyari kay Haring Zedekias matapos siyang ‘maghimagsik laban sa hari ng Babilonya’? (Jer. 52:3, 7-11) [Hunyo 4, w88 9/15 p. 17 par. 8; w81 10/1 p. 9 par. 1-2; p. 10 par. 5 (w81-E 4/1 p. 13 par. 3-4; p. 14 par. 6)]
7. Ano ang “tuntungan” at “kubol” ni Jehova? (Panag. 2:1, 6) [Hunyo 11, w07 6/1 p. 9 par. 2]
8. Ano ang tinutukoy ni Jeremias nang sabihin niyang ‘maaalaala ni Jehova at yuyuko Siya sa ibabaw’ niya, at ano ang kahulugan nito para sa atin? (Panag. 3:20) [Hunyo 18, w07 6/1 p. 11 par. 2]
9. Bakit kapaki-pakinabang sa isang tao na matutong pumasan ng pamatok ng pagdurusa sa panahon ng kabataan? (Panag. 3:27) [Hunyo 18, w07 6/1 p. 11 par. 4; w87 2/15 p. 24 par. 1]
10. Paano makatutulong sa atin ang halimbawa ni Ezekiel upang makapagsalita nang may katapangan sa kabila ng kawalang-interes ng iba? (Ezek. 3:8, 9) [Hunyo 25, w08 7/15 p. 8-9 par. 6-7]