Mga Patalastas
◼ Alok sa Hunyo: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya sa unang pagdalaw. Kung may aklat na ang may-bahay at ayaw niyang tumanggap ng pag-aaral sa Bibliya, maaaring ialok ang lumang magasin o anumang brosyur na kukuha ng kaniyang interes. Hulyo at Agosto: Alinman sa mga brosyur. Kapag dumadalaw-muli, ipakita ang aklat na Itinuturo ng Bibliya o, kung mas angkop sa pangangailangan ng tao, ang brosyur na Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman, at sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Setyembre at Oktubre: Bantayan at Gumising! Kapag dumadalaw-muli, ipakita ang aklat na Itinuturo ng Bibliya o ang brosyur na Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman, at sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya.
◼ Ang video na Our Whole Association of Brothers ay tatalakayin sa Pulong sa Paglilingkod. Kung kailangan ng mga kopya, dapat mag-request nito sa pamamagitan ng kongregasyon.
◼ Dapat i-audit ng isang inatasan ng koordineytor ng lupon ng matatanda ang accounts ng kongregasyon sa mga buwan ng Marso, Abril, at Mayo.—Tingnan ang Instructions for Congregation Accounting (S-27).
◼ Kung plano mong dumalo ng pandistritong kombensiyon sa ibang bansa, makatutulong sa iyo ang impormasyon sa Web site na jw.org. Piliin ang link na “Conventions” sa ilalim ng “Lookup” tab.