Mga Patalastas
◼ Alok sa Agosto: Alinman sa mga brosyur. Kapag dumadalaw-muli, ipakita ang aklat na Itinuturo ng Bibliya o, kung mas angkop sa pangangailangan ng tao, ang brosyur na Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman, at sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Setyembre at Oktubre: Bantayan at Gumising! Kapag dumadalaw-muli, ipakita ang aklat na Itinuturo ng Bibliya o ang brosyur na Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman, at sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Nobyembre at Disyembre: Alinman sa mga tract. Kapag nagpakita ng interes, sikaping makapagpasimula ng pag-aaral gamit ang tract na Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan?, o Lahat ng Pagdurusa—Malapit Nang Magwakas!
◼ Simula sa Setyembre, ang pahayag pangmadla ng mga tagapangasiwa ng sirkito kapag dumadalaw sa mga kongregasyon ay pinamagatang “Ang Paglakad na Kasama ng Diyos ay Nagdudulot ng mga Pagpapala Ngayon at Magpakailanman.”
◼ Paalaala sa mga Kalihim: Bawat kongregasyon ay tatanggap ng dalawang kopya ng Congregation Analysis Report (S-10). Pupunan ng kalihim ng kongregasyon ang mga form na ito nang tumpak at masinop, at maingat itong susuriin ng komite sa paglilingkod. Isulat sa likod ng form ang pangalan ng lahat ng regular pioneer pati na ang kanilang kabuuang oras para sa taon ng paglilingkod. Ang orihinal na form ay dapat ipadala sa tanggapang pansangay nang di-lalampas sa Setyembre 6. Ang isang kopya naman ay dapat ingatan sa inyong file.