Mga Patalastas
◼ Alok sa Setyembre at Oktubre: Bantayan at Gumising! Kapag dumadalaw-muli, ipakita ang aklat na Itinuturo ng Bibliya o ang brosyur na Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman, at sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Nobyembre at Disyembre: Maaaring ialok ng mga mamamahayag ang isa sa sumusunod na mga tract: Lahat ng Pagdurusa—Malapit Nang Magwakas!, Tamasahin ang Buhay Pampamilya, Ang Sanlibutan Bang Ito’y Makaliligtas?, o Ano ang Pag-asa Para sa Namatay na mga Minamahal? Kapag nagpakita ng interes, sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya gamit ang tract na Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan? o ang aklat na Itinuturo ng Bibliya.
◼ Dapat i-audit ng isa na inatasan ng koordineytor ng lupon ng matatanda ang accounts ng kongregasyon para sa mga buwan ng Hunyo, Hulyo, at Agosto.—Tingnan ang Instructions for Congregation Accounting (S-27).
◼ Ipinaaalaala sa mga elder na sundin ang mga tagubiling nasa Bantayan ng Abril 15, 1991, pahina 21-23, may kaugnayan sa sinumang tiwalag o kusang humiwalay na baka gusto nang makabalik.
◼ Ang espesyal na pahayag pangmadla sa panahon ng Memoryal sa 2013 ay gaganapin sa linggo ng Abril 1. Saka na ipatatalastas ang paksa. Ang mga kongregasyong may dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito o asamblea sa dulo ng sanlinggong iyon ay magdaraos ng espesyal na pahayag sa kasunod na linggo. Hindi ito dapat idaos bago ang Abril 1.