Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Oktubre 29, 2012. Isinama na rito ang petsa kung kailan tatalakayin sa paaralan ang bawat punto upang magamit sa pagsasaliksik kapag naghahanda bawat linggo.
1. Saan sumasagisag ang altar na nakita ni Ezekiel sa pangitain? (Ezek. 43:13-20) [Set. 10, w07 8/1 p. 10 par. 4]
2. Saan lumalarawan ang tubig ng ilog sa pangitain ni Ezekiel? (Ezek. 47:1-5) [Set. 17, w07 8/1 p. 11 par. 2]
3. Ano ang ipinakikita ng pananalitang ‘ipinasiya sa kaniyang puso’ tungkol sa espirituwal na pagtuturong tinanggap ni Daniel noong kaniyang kabataan? (Dan. 1:8) [Set. 24, dp p. 33-34 par. 7-9; p. 36 par. 16]
4. Saan lumalarawan, o sumasagisag, ang pagkalaki-laking punungkahoy sa panaginip ni Nabucodonosor? (Dan. 4:10, 11, 20-22) [Okt. 1, w07 9/1 p. 18 par. 5]
5. Ano ang itinuturo sa atin ng Daniel 9:17-19 may kaugnayan sa panalangin? [Okt. 8, w07 9/1 p. 20 par. 5-6]
6. Anong tipan ang ‘pinanatiling may bisa para sa marami’ hanggang sa pagtatapos ng ika-70 sanlinggo ng mga taon, o 36 C.E.? (Dan. 9:27) [Okt. 8, w07 9/1 p. 20 par. 4]
7. Ano ang puwede nating maging konklusyon sa pagsasabi ng anghel kay Daniel na “ang prinsipe ng kaharian ng Persia” ay tumayong sumasalansang sa kaniya? (Dan. 10:13) [Okt. 15, w11 9/1 p. 8 par. 2-3]
8. Anong hula sa Bibliya may kinalaman sa Mesiyas ang natupad may kaugnayan sa Daniel 11:20? [Okt. 15, dp p. 232-233 par. 5-6]
9. Ayon sa Oseas 4:11, ano ang isa sa mga panganib ng labis na pag-inom ng inuming de-alkohol? [Okt. 22, w10 1/1 p. 4-5]
10. Anong mahalagang aral ang matututuhan natin sa Oseas 6:6? [Okt. 22, w07 9/15 p. 16 par. 8; w05 11/15 p. 24 par. 11-12]